Alfie Lorenzo

Billy Balbastro

Abu Tilamzik

Allan Diones

Jun Lalin

Joe Barrameda


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Cesar, dinedma ni Monsour


Nakausap namin si Sunshine Cruz tungkol sa isinulat naming hinampo ni Monsour del Rosario sa mister niyang si Cesar Montano.

Kinumpirma ni Sunshine na si Monsour ang nagpakilala kay Cesar sa sinasabing Japanese financier.

Hindi naman pala totally ang Hapon ang namuhunan sa pelikulang Ligalig. Sa bandang huli ay nag-backout ito at naisauli rito ang perang naibigay para sa production ng Ligalig.

Ang Hapon ang nakiusap na kung puwede ay isali si Monsour sa pelikula, na matagal na palang naayos at nai-submit na sa kinauukulan (MMGG execomm) ang script. Gayun pa man ay hinanapan daw nila ng magandang role si Monsour na bagay sa kanya.

Hindiraw puwede na dalawa sila ni Cesar na bida sa pelikula dahil matagal nang natapos ang script.

Naibigay na sa isang malaking artista ang role pero binawi nila ito para ilaan kay Monsour.

Dumating ang araw ng shooting, pero walang Monsour na dumating sa set.

Nagpasabi raw si Monsour na hindi na niya magagawa ang role na ibinigay dahil kasali siya sa Super Noypi at Tatlong Baraha na entries din sa MMFF 2006.

Inintindi na lang daw nina Cesar si Monsour, at sa susunod na project na lang sila magsasama na parehong bida.

Pahayag pa ni Sunshine, alam daw ni Monsour na siya ang EP na nakasulat sa kung ilang libo libong posters na ikinalat na nila kung saan-saan.

Bigla na lang tumawag daw ito sa kanila na ipinatatanggal ang pangalan niya sa mga poster.

Paano pa nila mahahabol ‘yun eh napakalaking gastos kung uulitin nila ang posters na ipinagawa?

Iyung ibang sumunod na posters na kanilang ipinagawa ay wala na ang pangalan ni Monsour.

Nagulat na lang sina Cesar sa mga narinig nila mula sa iba’t ibang artista at press na hinaing ni Monsour. Pinilit daw tawagan ni Cesar si Monsour para mag-usap sila pero ayaw raw nitong makipag-usap.

Sa bandang huli ay nag-back out nga raw ang produ at isinoli nina Cesar ang pera. Ang katwiran ng Japanese producer ay mas gusto niyang sa music mag-produce.

Sina Cesar na lang ang sole producer ng Ligalig.

***

Mukhang happy sa trabaho at lovelife si Bea Alonzo ngayon.

Kung libre siya sa trabaho ay nag-aayos siya sa bago niyang condo na nabili.

Paminsan-minsan ay lumalabas siya kasama si Mico Palanca.

Oktubre pala nang sinagot niya si Mico, at gaya ni John Lloyd Cruz ay happy siya sa kanyang lovelife. Gayun pa man ay sinusuportahan pa rin ng John Lloyd-Bea fans ang loveteam nila at in due time ay matatanggap na rin ng kanilang fans ang tunay nilang lovelife.

Si Bea ay namumuhay nang mag-isa sa kanyang condo habang ang kanyang ina at kapatid ang naiwan sa bahay na kanyang binili.

Madalas siyang dalawin ng kanyang ina at kapatid.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top