|
|
ENTERTAINMENT
'StarStruck' nawalan ng lucky charm Kung mataas man ang ratings ng Starstruck 4 ng GMA, masasabi namin na nakatulong din siguro ang households namin dito sa Manila at Iloilo, at households ng mga kaibigan namin sa Manila, Bulacan at Laguna. Of course, nakumbinsi namin sila na tumutok sa programa. May "vested interest" kasi kami sa Starstruck 4. Kababayan namin si Prince Stefan. Kakilala siya at ang ina niya ng ibang kamag-anak namin sa Oton, Iloilo na hometown ni Prince. Karamihan ay kinikilig kapag napapanood sa TV si Prince na nakatira sa isang baryo sa bayan namin. "Malayo na ang narating niya," ayon sa kapitbahay nila. Sana, GMA can think of more exciting slants sa show for it to retain iyong good ratings niya. Tila natatalo na ito ng kakumpitensya kaya inililipat ng slot, totoo ba? Starstruck 4 na ito. Halatang pinu-push si Marky Cielo, ang winner nila sa #3. Tila nawala na si Jacky Rice. Ganoon din ang winners #2 nila na sina Mike Tan at Ryza Cenon. Nawala na lang na parang bula, lumilitaw minsan. Tungkol sa ratings, ayon sa more faithful observers, ang Starstruck No. 1 ang tunay na top rater. Ang dahilan: si Direk Lino Cayetano. Bakit hindi nila kunin uli si Direk Lino na tila lucky charm noon ng Starstruck? *** Bahagi lang ng ABS-CBN ang Pinoy Dream Academy at hindi ito (contrary to impression) isang independent school recognized by the Department of Education. Kaya ang iba pang mga
opisina at production outfits na ipinatayo ng mga tao sa likod ng
Pinoy Dream Academy ay bahagi pa rin ng PDA at
ng ABS-CBN. Ayon kay Direk Laurenti Dyogi na Business Unit head ng PDA, nagkaroon sila ng Dream Big Productions para tulungan ang "graduates" nila. Si Direk Lauren ang general manager ng Dream Big Productions na tila isang three-in-one outfit. May talent management agency ito, a record label at nasa business din of producing shows. Ang Dream Management ang humahawak ng career ng Top 10 List ng PDA — Yeng, Jay-R, Ronnie, Panky, Irish, Chad, Davey, Yvan, Eman at RJ Jimenez. Ang Dream Music na nag-release ng apat na PDA Originals sa CDs noon ay maglalabas na ng solo album ni Yeng (Salamat). Hinahanda na rin nila ang solo album ni Jay-R. Hinahanda rin nila ang album ng Cebalo, ang banda nina Panky (Cebu), Davey at Yvan (Baguio) at Eman (Iloilo). Kinuha ang name ng banda mula sa place of origin nila. At ang Dream Concerts ay magpo-produce ng Dream Concert Tour ng Top Six ng PDA. Sisimulan ito sa Cebu Coliseum sa Feb. 2, Expo Filipino (Clark Field sa Feb. 10 at sa Aliw Theater sa Feb. 14). Naka-schedule din sila sa US, March 28 to April 21, sa San Diego, San Francisco, Las Vegas, West Hollywood, Chicago at New York. Pinaplano pa ang concerts sa Japan at Australia. *** MKM Notes: Mamayang gabi sa Magpakailanman, sa ‘Kamaong Bulaklak’ episode, isang interesting na kuwento ang tatalakayin ni Mel Tiangco. Kuwento ito ng isang athlete, si Noel Sumingua. Mula 1994 to 1998, karate champion na si Noel sa buong Cordillera. Kasalukuyang chief instructor siya sa Phil-Tai-Chi Association at regional Muay-Thai coordinator sa Region I. Nagtuturo rin siya ng Literature sa La Union College. Isang gay si Noel. Si Patrick Garcia ang gaganap na Noel. Kasama rin sa cast sina Tetchie Agbayani, Bembol Roco, Justin de Leon, Rommel Padilla at Gio Alvarez. *** ONE-LINER: Step by step, the journey goes on. Little by little, it seems so long. The things we learn will keep us on. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|