Alfie Lorenzo

Billy Balbastro

Abu Tilamzik

Allan Diones

Jun Lalin

Joe Barrameda


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Ina ni Chin Chin, namatay na maligaya


Nailibing na kahapon nang umaga ang ina ni Chin Chin Gutierrez na si Mommy Cecilia sa Loyola Memorial Park, Marikina.

Dati siyang madre, kaya ang daming nakipaglibing na mga madre at mga paring maaaring kasamahan niya dati.

Nakita namin sa mukha ni Chin Chin ang sobrang sakit pero tanggap niya ang nangyari sa kanya na iniwan na siya ng kanyang ina pagkatapos matupok ng sunog ang halos buong kabuhayan nila.

Sa panayam ng Startalk kay Chin Chin, napaluha kami sa mga ibinahagi niyang pananaw kaugnay sa mga nangyari sa kanya.

Naikuwento rin niya ang mga huling sandali nu’ng kasama pa niya ang kanyang ina.

Maligaya naman daw siya dahil kumpleto raw sila sa tabi ng kanyang ina bago ito nalagutan ng hininga. Inaalalayan pa raw niya ang kanyang ina at sinasabihang sundan ang liwanag na nakikita niya dahil sinusundo na ito ng mga mahal nito sa buhay na namayapa na rin.

Tinawagan pa ni Chin Chin ang kanyang ama na nasa ibang bansa para kausapin ang Mommy niya habang nag-aagaw-buhay ito.

Tumutulo raw ang luha ng Mommy niya habang nakikinig lang ito sa mga sinasabi ng asawa sa telepono. Naramdaman daw niyang maligaya na ang kanyang Mommy bago ito namatay.

Sa ngayon ay hindi pa masasabi kung paano makapagsisimula si Chin Chin ng bagong buhay matapos ang libing ng kanyang ina.

Nakitira muna siya sa isang malapit na kaibigan at natutuwa siya dahil marami ang sumusuporta sa kanya.

Nariyan ang mga kaibigang walang sawang tumutulong sa kanya.

Bahala na raw ang Diyos sa kanya kung saan siya dadalhin ng agos dahil ang lahat ng ginagawa niya ngayon ay para sa Diyos.

Naikuwento rin ni Chin Chin na ang tanging naiwan sa kanya nu’ng nakaraang sunog ay ang suot niyang relo, ang bracelet na rosaryo at ang kwintas ni Virgin Mary.

Alam daw niya, na ang gustong ipahiwatig sa kanya ng mga gamit na naiwan sa kanya, na sa lahat ng oras ay dapat manalig siya sa Diyos.

Ang lahat ng gagawin niya sa bawat oras ay nasa puso niya ang Diyos Ama at si Mama Mary.

Ang kaibigan ni Chin Chin na si Roy Alvarez ang isa sa nakita naming nakilibing. Nu’ng Martes nang hapon ay namataan namin sa burol sina Rita Avila at Caridad Sanchez.

Umiiyak si Rita na umalis sa burol dahil alam daw niya ang nararamdaman ngayon ni Chin Chin gaya nung nawalan siya ng anak.

***

Kinumpirma ni Mel Martinez na anim na linggong buntis na ang kanyang pamangkin na si Meryl Soriano.

Excited na si Mel dahil ito raw ang kauna-unahan niyang apo at ang bata naman niyang lolo.

Madalas daw niyang sinasamahan si Meryl sa pagsi-swimming. Payo ng doktor na mag-exercise lagi si Meryl at ang pinakamabuting exercise nga raw ay ang paglangoy.

Hindi naman daw hirap si Meryl sa pagbubuntis, pero medyo malakas itong kumain. Medyo pinipigilan nila ito para hindi tumaba nang husto.

Naiintriga kami sa sagot ni Mel kapag si Bernard Palanca na ang napag-uusapan. Parang sa ilong lumalabas ang sagot niyang okay sila at wala na siyang idinurugtong pa.

Natawa na lang ito at ayaw na niya kaming sagutin kapag tungkol kay Bernard na ang ikinukulit namin.

***

Medyo bumaba ang rating ng Asian Treasures sa pangalawang gabi nito, pero mataas pa rin at malayo ang agwat sa katapat na programa.

Narito ang overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 noong MARTES (Enero 16):

SiS 12.1% vs. Homeboy 11.4%;

Yellow Handkerchief 21.4% vs. Game Ka Na Ba? 16.8%;

Eat Bulaga 21.6% vs. Wowowee 21%;

Daisy Siete 19.5%, Makita Ka Lang Muli 15.4% at Kapuso Movie Festival 16% vs. Kapamilya Cinema 14.9%;

Jewel in the Palace 19.2% vs. Pangako Sa ‘Yo 15.8%;

24 Oras 31.2% vs. TV Patrol World 24.7%;

Asian Treasures 37.5% vs. Deal or No Deal 27.2%;

Atlantika 29% vs. Super Inggo 27.6%;

Bakekang 30.6% vs. Sana Maulit Muli 33.5%;

Jumong 25% vs. Maging Sino Ka Man 29.7%;

Starstruck 20.5% vs. Princess Hours 22.7%;

Bahay Mo Ba ‘To 15.4% vs. Bandila 10.1%.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top