|
|
ENTERTAINMENT
Fans ni Piolo, mga praning Praning na praning na
itong mga solid Piolo Pascual fans na nag-akala na FOREVER na
makakatambal ni Judy Ann Santos ang iniidolo nila, na kapag busy si
Piolo eh nasa sulok lang si Juday at naghihintay na lang ng availability
ni Piolo. Binaligtad ng mga hitad na PRANING ang sitwasyon, as if si Piolo ang nagdadala sa loveteam ng dalawa! These stupid PRANINGS were just born yesterday kaya wala silang alam sa history that keeps coming back, history ng Philippine Movies and its LOVETEAMS. Sa isang loveteam, when it’s time to move on for the LEADING LADY, palaging ang naiiwang kawawa ay ang LEADING MAN. Palibhasa, MATRIARCHAL country itong bansa natin, the sympathy always goes for the women, rich or poor alike. Masdan ang nangyari sa career ni Nestor de Villa nu’ng nag-zoom zoom up there na ang career ni NIDA BLANCA alone or with a different leading man. Naiwan ni GLORIA ROMERO sa talahiban ang career ng kalabtim niyang si Luis Gonzales. The same thing went for AMALIA FUENTES and SUSAN ROCES and the rest of the loveteams na kasabayan nila. Nu’ng mag-solo si NORA AUNOR, matagal nanahimik ang career ni Tirso Cruz III and it took a while bago nakalabas muli sa TV o pelikula si Tirso na hindi kasama si Ate Guy. Ganyan din ang nangyari sa career ng mga naging leading men at kalabtim ni VILMA SANTOS. Edgar Mortiz’ career suffered a big setback lalo na nu’ng pareho nang nag-asawa ang dalawa but NOT to each other. Came MARICEL & WILLIAM. Nawala si Kulit nu’ng mag-solo venture na si Marya na iba-iba ang kapareha and eventually got married sa hindi niya kalabtim. Nawala rin si GABBY CONCEPCION nu’ng iwanan na ni SHARON CUNETA. Until this date, highly visible pa ang MEGASTAR and Gabby is just talked about every now and then na lang. ‘Yung loveteam nina DINA BONNEVIE at ALFIE ANIDO eh short live lang dahil NAMATAY si Anido. Nagkaroon ng PART 2 ‘yan sa katauhan nina CLAUDINE BARRETTO and RICO YAN. As we all know, like Alfie Anido, Rico Yan had a mysterious death. Repeat, repeat lang naman ‘yang mga showbiz happenings, debah! *** At heto, sinong nasa matinong kaisipan ang makapag-iisip na MAKAPAGSOSOLO si Piolo Pascual MINUS Judy Ann Santos? Eh hayan ang maliwanag na pruweba sa nagdaang MMFF na FIRST team-up pa lang nina Juday at Ryan Agoncillo eh tinalo pa nila sa takilya ang lakas ng ENTENG KABISOTE na three years nang top-grosser sa filmfest? Isa lang ang kahulugan niyan, the trend also applied to Judy Ann as a leading lady to another leading man NOT her loveteam. Will that also apply to Piolo Pascual na IBA ang leading lady niya at HINDI si Juday? Piolo’s fans think so. Others don’t. Kaya napa-PRANING na sila at hindi mapalagay. Ligalig na sila because they SEE as early as now the END of their idol who’s now in his 30’s, no longer a MATINEE IDOL. Marami ang nakapupuna na hindi na masyadong DELICIOUS na Papable like before. And I told them the EUPHORIA is dwindling; bumababa na ang tama nila kaya may napapansin na kay Piolo. Hindi ba ‘pag andiyan pa ang Euphoria, WALA kang makikitang KAPINTASAN sa idol mo? But lately, andiyan na ang mga reklamong kesyo mukhang ‘marumi’ na si Piolo, parang ‘hindi na naliligo’, may dirty look na, lalong lumalamya ang kilos at unconsciously eh napapatalsik kung minsan ang mga daliri at kamay! *** Inilabas natin dito last week ang mga text ng isang nagtatago sa pangalang ANNIE SANTOS. ‘Yung mga early posting niya sa Internet ay lumabas na pawang IMBENTO lang at mga KASINUNGALINGAN! Kesyo WALA raw si Ryan sa SHARON at nagliliwaliw sa ibang bansa. Lumabas si Ryan on-stage after the duet of Juday and Sharon. Iba naman ang inimbento ng ANNIE SANTOS na ito. Hinintay daw ni Juday na makatapos kumanta si Piolo at naghalikan pa sila, at lumabas na magkasama at sa sasakyan daw ni Piolo sumakay si Juday! Nu’ng Linggo sa The Buzz ay kinlaro nina Juday at Ryan na HINDI sila nagkita ni Piolo dahil kumakanta pa si Piolo eh sabay nang umalis sina Juday at Ryan para mag-dinner. Iniba ng ANNIE SANTOS na ito ang ISYU. Bakit daw NAGTARAY si Juday sa The Buzz, komo nasabi na ni Juday na napipikon na siya sa mga NAKAPIPIKA namang mga IMBENTONG TEXT ng mga katulad ng ANNIE SANTOS na ito na naki-SANTOS pa kay Juday, bakit hindi ANNIE PASCUAL ang gamitin niyang alyas? Dahil MABUBUKO na solid Piolo Pascual LUNATIC siya? *** Hirit ng BALIW na talagang si ANNIE SANTOS na ang gamit na numero ay 237100-446-3488 -- "Si YOHAN, anak ni Juday kay Piolo! ‘Yun ang tutoo!" (Naitago ni Juday nang 9 months ang pagbubuntis niya? It’s a miracle, huh!) Text uli ang impaktang PRANING: "Hula kay Ryan, maaaksidente sa sasakyan! Paano ‘yan, kawawa na naman ang alaga mo! Dapat kasi kay Piolo na lang siya! Tutal, TATAY naman ni YOHAN si Piolo!" Karma for Karma ang laban, we text her back: IKAW ang mamamatay sa aksidente dahil MASASAGASAAN KA! Sagot ng BALIW na paiba-iba ng NUMERO/SIM card: "No! No! Si BANSOT ang maaaksidente! Kaya kung ako kay Juday ay kay Piolo na lang siya! Tutal, ang tunay na AMA ni YOHAN ay si Piolo! "Paano ‘yan ngayon, may ka-date na namang IBANG BABAE si BANSOT at si Juday, si Piolo ang kasama!" Sagot ko naman: ULOL! BALIW! PRANING! LUKARET! PERFECT LIAR! Ok lang na may ibang BABAENG ka-date si Ryan basta ba HUWAG lang LALAKE ang ka-date niya na kamukha ni SAM MILBY, huh! Kundi ka ba naman SIRA-ULO talaga, paanong makakasama ni Juday ang Piolo mo eh ‘di ba, nasa CHINA ngayon ang Papa ko at si Juday, heto at kasama naming nagteteyping ng Homeboy! Bukung-buko na ang mga kasinungalingan mo, ratsada ka pa rin, anoh bah! (TATAPUSIN BUKAS) |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|