|
|
ENTERTAINMENT
AKTOR, NAGNAKAW NG CELLPHONE (Abu Tilamsik) Isang baguhang young actor ang pinag-isipang idemanda ang kapwa baguhan ding aktor dahil nakumpirma niyang ito ang nagnakaw ng bago niyang cellphone. Mangiyak-ngiyak ang pobreng baguhang aktor nang nawala ang kanyang cellphone dahil hindi pa siya kumikita nang malaki para bumili uli ng ganun kamamahaling bagong cellphone. Pinagdudahan na niya itong kapwa baguhang aktor na siyang kumuha pero parang ayaw niyang maniwala dahil mukhang mayaman ito at Inglisero. Ibinigay ni young actor ang serial number ng nawalang cellphone sa kaibigang staff para tulungan siyang ma-trace ito. Nalaman nila nang tumugma ang naturang numero sa cellphone na hawak ng Ingliserong baguhang aktor. Walang nagawa ang Ingliserong baguhang aktor at hindi niya mai-deny kaya inamin nitong siya ang kumuha. Nakarating ang bagay na ito sa kanyang manager. Nagtitili at napamura sa galit ang manager dahil hiyang-hiya siya sa ginawa ng kanyang alaga. Ang guwapo ng baguhang actor, mukhang sosyal at Inglisero pa, pumipitik pala ng cellphone?! |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|