January 17, 2009 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
Mga balitang pangmedisina
Roberto Zaide M.D.
 
Ang probinsiya ng Siquijor ay tinuring na kauna-unahang “rabies free zone” sa Pilipinas sapagkat walang kaso ng rabies sa tao o sa aso ang nakita sa nakalipas na sampung taon. Ito ang pahayag ng ating Department of Health at Department of Agriculture. Ang huling kaso ng rabies sa tao na ikinamatay ng pasyente ay nangyari noong taong 1987.
Noong 1993, ang rabies sa aso ay nakita sa isang tuta na galing sa Cebu na nakapuslit at nakapasok sa Siquijor. Noong 2007, 286 kaso ng rabies ang nakita sa Pilipinas. Noong 2006, 219 kaso ang nakita. Karamihan sa nagkasakit ay mga bata.
Sabi ng DOH na ang mga probinsya ng Bohol, Batanes, Boracay, Samar at Dinagat ay malapit na maging rabies-free zones.
Sabi ni Dr. Victor Atienza, ang chairman ng national rabies-prevention and control committee na ang rabies ay nakamamatay ngunit 100% na maiiwasan.
Ngayon na mayroon nang Rabies Act of 2007, maaaring maging rabies-free ang buong Pilipinas sa taong 2020.
***
Kamakailan lamang, ako ay nagpa-drug test upang maipabago ang aking lisensya (narcotic license) sa Philippine Drug Enforcement Agency. Iba na ngayon ang sistema na tinatawag na Integrated Drug-Testing Operations and Management of Information System (IDTOMIS).
Mayroong medical technologists, chemists at pharmacists sa loob ng laboratoryo. Ang pagkuha ng ihi ay binabantayan. Pagkatapos ng examinasyon, mayroong biometric fingerprint scanning upang masiguro ang identity (pagkakakilanlan) ng nagpa-examen. Kukunan pa ng litrato ang nagpaeksamen at itong mga information ay ipinadadala sa computer ng Department of Health (DOH).
Sabi ni Health Secretary Francisco Duque na hindi na malilikutin (tamper) ang mga resulta dahil nasa-IDTOMIS web site na ito ng computer ng DOH.
***
Ang mga tagasaliksik sa Tampere University Hospital sa Finland ay pinag-aralan ang 989 lalaki, 55-75 taong gulang, una noong taong 1999 at sumunod noong 2004. Nakita nila na kapag nakikipagtalik ng isang beses sa isang linggo, malamang hindi magkaroon ng erectile dysfunction. Ang mga lalaki na mas kaunti ng isang beses sa isang linggo makipagtalik ay nagkakaroon ng 79 kaso bawat 1,000.
Kapag isang beses sa isang linggo - 32 kaso lamang. Naging 20 kaso lamang kapag dalawang beses nakikipagtalik, at 16 kaso lamang, kada-1,000 kapag nakikipagtalik ng tatlo o mas malimit pa.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES