January 16, 2009 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Malacañang, CHR girian sa drug test
(Rose Miranda)
 

Nagkakagirian nga­yon ang Malacañang at ang Commission on Human Rights (CHR) sa isyu ng random drug testing sa mga estudyante.
Binansagan kahapon ng CHR na labag sa karapatang pantao ang nasabing aktibidad na ina­prubahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo base sa rekomendasyon ni Dangerous Drugs Board (DDB) chairman Vicente Sotto III.
Sinopla naman agad ng Malacañang, sa pamamagitan ni Deputy Presi­dential Spokeswoman Lorelei Fajardo ang paha­yag ng CHR sa pagsasabing itinatadhana ng batas sa pamamagitan ng Dangerous Drugs Act ang random drug testing maging sa mga kabataan kung kaya hindi nila ito masasabi na paglabag sa karapatang-pantao bagkus ay isinusulong pa nga umano nito ang karapatan ng bawat Filipino na mabuhay nang malayo sa banta ng ilegal na droga.
“The President ‘s order is constitutional,... it does not violate human rights and instead promotes
every Filipino’s right to live free of the terrible menace of drugs,” ani Fajardo sa text message.
Dahil dito ay tuloy umano ang planong random drug testing sa mga estudyante, maging ang pansamantalang pamumuno ni Pangulong Arroyo bilang anti-drug czar ng gobyerno hanggang ngayong buwan.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES