JANUARY 14, 2013 MONDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 13, 2013
As of 4:38 pm
U. States 40.6100
Bahrain Dinar 107.702
Can Dollar 41.2556
Euro 54.1827
Aus Dollar 42.7785
HK Dollar 5.23844
Japan Yen 0.455396
Saudi Riyal 10.8300
S’pore Dollar 33.1456
Taiwan Dollar 1.40276
UAE Dirham 11.0563
UK Pound 65.5140
 
Custom Search

'Indio' ni Bong, hahatak sa mga bata

Ni Allan Diones
 

BASE sa napanood namin nu'ng special screening nito ay may hatak sa mga bata ang bagong fantasy-epicserye ni Senador Bong Revilla sa GMA na Indio.

Ang ganda ng voice over narration ni Rhian Ramos sa simula nito. Bongga ang role ni Rhian bilang si Magayon, ang diwata ng mga lumilipad na hayop.

Siya ang gagabay kay Malaya/Simeon/Indio (Bong) tungkol sa bugna o tadhana nito.

Bale nagsimula 'yung shot sa isang malaking ibon, na lumipad-lipad at dumapo sa may batuhan sa tabi ng dagat, tapos ay nag-transform ito bilang isang magandang diwata, na ang mahaba at makulay na damit ay nililipad-lipad ng hangin.

Makikita ang Kapamilya training ni Direk Dondon Santos sa kanyang camera shots at pagma-mount ng mga eksena. May touches ng ABS-CBN ang kanyang trabaho, na isang magandang bagay dahil kilala ang Kapamilya network sa mga dekalidad na teleserye. Nadala 'yon ngayon ni Direk Dondon sa Kapuso network.

Tulad ng epicseryeng Amaya, period setting din ang Indio, na naganap noong sinaunang panahon bago ang mga katutubong Pilipino ay sinakop ng mga dayuhang Kastila.

Noong mga panahong 'yon, ang mga katutubo ay malayang nakakasalamuha at kasamang namumuhay ng mga diwata. Ang ilan sa mga diwatang ito ay umibig at nagkaanak sa mga tao, katulad ng ina ni Malaya na si Ynaguiginid (Sarah Lahbati), ang diwata ng digmaan.

Nabago ang tahimik na pamumuhay ng mga katutubo at diwata sa pagdating ng mga dayuhan. Sinakop ng mga walanghiyang Español ang lupain at yaman ng mga katutubo at isa sa mga pinaslang ng mga ito ay ang ama ni Malaya na si Mandirigma (Luis Alandy).

Maging ang inang diwata ni Malaya ay nagawa ring patayin ng mga Kastila. Kinupkop ang sanggol na si Malaya ni Tarong (Jomari Yllana) at asawa nito. Pinalaki siya ng mga ito bilang tunay na anak.

Ipinakita sa pilot episode ang pambihirang lakas ni Malaya, na sanggol pa lang ay nakalakad na kaagad.

Nagawa rin nitong humawak ng kampilan at tumakbo nang pag­kabilis-bilis. Palakpakan ang audience sa cute na eksenang 'yon ni baby Malaya.

Nang maging batang paslit na si Malaya (ginampanan ni Vincent Magbanua) ay isinasama na ito ng kanyang amain na si Tarong sa pangangaso sa gubat.

Kiddie superhero ang dating ng bagets doon sa eksenang binuhat ng batang Malaya ang malaki at mabigat na batong dumagan dito.

Itsura ng superhero powers ni Superman ang taglay ni Malaya. Kapagkuwan ay makikila siya bilang si Simeon, tapos ay magiging si Indio. Siya ang itinakdang maging tagapagtanggol ng mga tao.

Hindi pa namin napanood si Sen. Bong doon sa pilot episode pero sa mga ipinakitang next episodes ay matutunghayan na ang kanyang kagila-gilalas na pakikipaglaban.

Ngayong gabi ang simula ng Indio sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION