Place your ads here
 
 
OTHER NEWS
Place your ads here
HEADLINES
 
PALASYO NAKORNER SA MEDIA WARNING
Nalagay sa alanganing sitwasyon ang Malacañang matapos magkabuhul-buhol ang mga opis­yales ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang matanong kung aprubado nito ang media warning na ipinalabas ni Department of Justice (DOJ) Secretary Raul Gonzalez kung saan nagbanta itong posibleng maharap sa “criminal lia­bilities” ang mga mamamahayag na susuway sa mga panuntunan kapag panahon ng emergencies.
 
Linggu-linggong rollback sa LPG, posible
Bahagyang makakahinga ng maluwag ang publiko sa pinakahuling anunsiyo ng LPG Marke­ters Association (LPGMA) na magpapatupad sila ng 50-sentimos na rollback sa ibinebentang liquefied petroleum gas (LPG).
 
Sungay ng gabinete pinapuputol kay Villar
Hinamon ni Se­nate minority floor leader Aqui­lino “Nene” Pimentel Jr. si Senate President Manuel “Manny” Villar Jr. na putulin ang sungay ng mga pasaway na gabinete kapag nagbalik-sesyon ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa Enero 28, partikular ang mga kalihim na tumatangging humarap sa imbestigasyon, gamit ang executive privilege.
 
Sentido-kumon sa energy crisis -- Ping
Ito ang naging reaksyon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa walang katapusang energy summit na itinutulak ng Malacañang matapos irason ng mambabatas na ‘political will’ ang kailangang makita ng mamamayan para maibsan ang kanilang paghihirap.
 
FVR at GMA iisa ang diskarte
Ganito ang paglala­rawan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero III sa Charter Change (ChaCha) na isinusulong ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos magbago ng diskarte ang Malacañang at kasangkapanin ang federal system sa pag-amyenda ng Saligang Batas gayong obsession ang People’s Initiative nito.
 

NEWS ADVERTISE About our Company Contact Information