HEADLINE |
|
![]() Ito ang tanawin sa Luneta tuwing araw ng Linggo kung saan sama-sama ang mga magkakapamilya na nagpipiknik sa ‘pambansang pasyalan’ ng bayan. Hirap sa buhay ang mga Pinoy, patunay ang pinakahuling survey na nagsabing lalo pang lumaki ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa bansa subalit nakakaraos pa rin ang marami sa ating mga kababayan. (Devery Mark Alegata) |
Nalagay sa alanganing sitwasyon ang Malacañang matapos magkabuhul-buhol ang mga opisyales ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang matanong kung aprubado nito ang media warning na ipinalabas ni Department of Justice (DOJ) Secretary Raul Gonzalez kung saan nagbanta itong posibleng maharap sa “criminal liabilities” ang mga mamamahayag na susuway sa mga panuntunan kapag panahon ng emergencies. |






