Place your ads here
 
 
ENTERTAINMENT
Place your ads here
ENTERTAINMENT
 
Will, walang balak kausapin si Palmolive tungkol sa sex video
ni: Allan Diones
 

Parang ayaw pang maniwala ni Will Devaughn nang sa­bihin naming okey siyang umarte sa first mo­vie niyang Desperadas bilang basketbolistang boyfriend ni Marian Rivera.
Ayon kay Will, mahilig siyang umarte at pa­ngarap niyang makagawa ng pelikula kahit noong nasa high school pa siya sa Texas, USA.


Sa Germany ipinanga­nak si Will (na second name ang Devaughn at ang last name niya ay Stumpf mula sa unang asawang German ng kanyang ina).
German ang mom niya at ang dad niya ay half Pinoy-half Black American, na iniwan sila ng mom niya when he was 2 years old.


Nu’ng Oktubre 12, 2005 nagpunta ng ‘Pinas si Will para sundan ang girlfriend niyang si Rachel Piazza (na pinsan ni Aubrey Miles) at sinuwerte siyang makuha sa isang toothpaste commercial, na na­ging simula ng modeling career niya rito.


PALMOLIVE PALMAParang walang keber si Will sa pagpapakita ng katawan sa mga pictorial at fashion shows. Handa na rin ba siyang sumabak sa sexy roles sa pelikula?


“Depende. But nothing really bothers me. I mean, I’m not shy about my appearance or my body. It shouldn’t be like that. So, kung may offer at gusto ko and gusto ng manager ko, game ako!” nakangiting dayalog sa amin ng 25 y/o model na 4th placer sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.
So, pwede na siyang maghubad sa pelikula?
“Ngayon? Probably not,” biglang bawi niya.


Bakit? Marami pa namang nagpapantasya sa kanya na gustong makita siyang hubad sa big screen?


“Wow! As in hubad ta­laga? Wait… sige! Ha! Ha! Ha! Ang bilis ng sagot, ‘no? Sige, game ako!
“Hindi… depende talaga. Depending on the role, depending on the movie,” natatawang sey ni Will.


Paano kung matino ang pelikula at maganda ang role niya, pero kaila­ngan niyang magpakita ng puwet?
“Puwet lang? Sige, isang cheek lang!”
Eh, kung pati harapan?


“No, no, no! No more mystery! Ha! Ha! Ha!” tawa niya.
***
Pagpasok ni Will sa Bahay ni Kuya ay saka pumutok ‘yung isyung may sex video umano sila ng isa sa miyembro ng Baywalk Bo­dies na si Palmolive Palma.
Totoo bang may sex vi­deo sila ni Pal­­molive?


“I don’t know. I don’t think it’s true. But if it is, I mean, I can’t remember. I don’t know!” tila naguguluhang bulalas ni Will.
Nagkarelasyon ba sila ni Palmolive?
“We met in a bar. That’s all I can say,” maiksing sagot niya.


Nagkuhaan ba sila ng video ni Palmolive? Sabi kasi nito ay silang dalawa raw mismo ang kumuha ng video na ‘yon nu’ng minsang magtalik sila…
“Oh, really? Hmmm… I was like Baron (Geisler, nakasama niya sa PBBCE2), I can’t remember anything when I’m drunk! Ha! Ha! Ha! I have selective amnesia!” pabirong sagot niya.
So, nagkakilala lang sila sa bar ni Palmo­live at hindi na nasundan ang pagkikita nila, ganu’n ba?


“Yeah, that was it!”
At hindi naging sila, tulad ng sinasabi ni Palmo­live?
“Never! We never da­ted or went to movies or had dinner…”
Aware ba siya na nakipag-break daw kay Palmolive ang nobyo nitong Hapon dahil sa sinasabing sex video nila?
“I don’t know why it’s even out. It’s so long ago. It shouldn’t be an issue,” dayalog ng binata.
Sabi namin kay Will, in fairness sa kanya ay tila hindi nag-e-exist ang naturang sex video dahil hanggang ngayon ay nananatiling sabi-sabi lang ito at walang makapaglabas ng kopya.
Biniro si Will ng isang katabi namin na ang sabi raw ni Palmolive ay MA­LIIT NA BAGAY lang ‘yon na hindi na dapat pag-usapan…


“Yeah? Sige, iniisip mo ganu’n, ah? It’s defi­nitely not me then! Ha! Ha! Ha!” tawa niya, na ibig sabihin ay nakuha niya ang pilyong joke.


Base sa pagkakaalam niya, meron ba siyang ginawang sex video?
“I don’t know. Maybe because I’m from the States, so I don’t really care if I have one or not. I mean, sana it really wasn’t me. I hope that it wasn’t me. I really don’t know if there is a video,” ani Will.
So, hindi rin siya sure kung meron talaga siyang sex video o wala?
“Hindi ako sure,” kas­wal na sagot niya.
So, pwedeng meron nga siyang sex video?


“Ikaw, pwedeng me­ron din, ‘di ba? Ha! Ha! Ha!” natatawang buwelta sa amin ni Will.
Sinagot namin siyang sigurado kaming wala ka­ming anumang sex vi­deo, hindi katulad niya na walang kasiguraduhan. Natawa lang si Will at parang hindi malaman ang isasagot.
May balak ba siyang tawagan o kausapin si Palmolive hinggil sa is­yung ito?
“No, no need! I really don’t know why would I want to. I mean, if I see her, I’d still say ‘Hi!’ Bakit hindi ‘di ba?”


Feeling niya ba ay ginamit lang siya ni Palmolive sa isyung ito?
“No. I mean, I don’t know. In the Internet, I read a few things about that, that people think that way about her. But I have no idea. I don’t know her intentions, if there were any,” sambit pa ng very gentleman na si Will Devaughn.

 

NEWS ADVERTISE About our Company Contact Information