Place your ads here
 
 
ENTERTAINMENT
Place your ads here
ENTERTAINMENT
 
MARK, UMIWAS KAY LIAN
ni: Abu Tilamzik
 

MARK HERRASMuntik nang mag-walkout si Mark Herras sa SOP kahapon dahil sa dami ng mga reporter at TV crew na tumututok sa kanila ni Lian Paz na kung saan nagkaroon sila ng dance showdown sa naturang variety show.


Marami silang kasabay sa production number na iyun kaya hindi gaanong nabigyan ng focus ang pagtatapat nila sa sayawan.
Pero sa backstage at dressing room ng SOP ay nakatutok sa kanila at pinipilit pa ring makunan ng pahayag si Mark tungkol sa break-up nila ni Lian.
Hindi umiiwas si Lian sa mga interview, pero si Mark ay dedma at ayaw sagutin ang isyu nila ni Lian.


Hindi siya nakaligtas sa pangungulit ng Showbiz Central dahil live guest si Lian kahapon. Pero safe ang mga sagot ni Mark na ayaw raw niyang pag-usapan in public ang problema nila ni Lian.
Pag-uusapan pa raw nila ito ni Lian at mas gusto raw niya sanang tahimik na lang at sa kanila na lang ito ni Lian.


Pagkatapos ng SOP ay pinagbigyan ni Mark ang matagal na niyang na­tanguang interview kay Ricky Lo para sa The Ricky Lo Exclusives.
Hindi niya ibinigay ang lahat ng mga sagot dahil sobrang napagpiyestahan na raw ang isyu nila ni Lian.


“Dati, natutuwa pa ako kapag pinag-uusapan ang break-up ko kina Jennylyn o Marian. Pero ngayon, ayoko na, eh! Sobrang naging public pro­perty na ang sa amin ni Lian, kaya ayoko na munang magsalita,” pahayag ng young actor.


Iniiwasan din ni Mark si Lian nang magkasabay sila sa SOP kahapon. Ang ina lang ni Lian ang binati niya, pero hindi si Lian.
“Naasiwa pa kasi ako. Lalo na ngayon na mainit pa masyado ang isyu, lalo akong naasiwa,” paliwanag ni Mark.


Ang gusto lang daw niyang iparating muna kay Lian ay hintayin lang daw ang tamang panahon na magkausap sila para malinawan ang tungkol sa kanilang break-up.
Maraming mga nag­labasang intriga tungkol kay Lian, pero ayaw niya munang sagutin kung totoo iyun o hindi.


May mga ilan daw na totoo, meron ding hindi pero sa kanila na lang daw iyun ni Lian.
Aminado si Mark na may pagkakamali siya, pero meron din daw si Lian.
“Meron kasing private reasons sa break-up na amin na lang iyun at ayaw ko nang lumabas pa ito sa public,” patuloy na pahayag ni Mark.


Inamin din ni Mark na may natitira pa siyang naramdaman kay Lian dahil hindi ‘yun ganu’n kadaling mawala. Kaya apektado rin siya sa break-up na iyun.
Sana raw, pagkatapos nilang mag-usap ay ma­ging magkaibigan man lang silang dalawa.


***
Magha-hatinggabi na dumating si Jennylyn Mercado sa birthday party ni Olai Espiritu ng Met Tathione nu’ng Sabado sa Events Place sa Greenhills.
Medyo maga ang muk­ha ni Jennylyn. Wala siyang make-up at hindi niya kasama si Patrick Garcia.


Matagal silang nagkayakap ni Valerie Concepcion na parang matagal na silang hindi nagkikita.
Hirap na hirap daw si Jennylyn sa paglilihi at nagka-spotting siya nu’ng nakaraang linggo.
“Takot na takot kaming lahat, akala ko mawawala na. Pero okay naman ngayon, medyo ingat na lang,” paha­yag ni Jennylyn.
Paiba-iba raw ang gusto niyang kainin kaya hindi niya masagot kung ano talaga ang pinaglihian niya.


Pinaghahandaan na raw niya ngayon ang mala­-king ipinagbago sa kanyang buhay lalo na’t malapit na siyang maging ina.


Aminado si Jennylyn na may mga bayarin pa siya at medyo nakaka-tense kung mababayaran ba niya ito. Umaasam siya na maayos niya ito bago siya makapanganak.


Nakiusap na rin si Jennylyn sa ilang mga nagkakalat ng intriga tungkol sa kanila ni Mark Herras.
“Sana, tama na po. Heto na nga, eh. Ina­min naman, alam naman nilang kay Patrick ito at ina­min naman niya. Sana, tama na. Patahimikin na natin iyun,” pakiusap ni Jennylyn.
Biniro namin si Jennylyn na made in Boracay ang baby nila ni Patrick dahil nagbakasyon sila roon.


“Hindi po. Hindi totoo iyun,” sagot agad nito.
Eh saan? “Basta hindi po du’n sa Boracay, ano ba iyun?!”


***
Marami ang nainis sa mga sagot ni Cristine Reyes tungkol sa isyung lilipat na siya ng ABS-CBN 2.


Sa tono ng sagot ni Cristine ay parang gusto na niyang lumipat ng Dos, kaya lang meron pa siyang kontratang dapat tapusin sa GMA 7.
“Hindi pa po. Hindi ko naman itatago iyun kung talagang lilipat na nga ako du’n,” pahayag ni Cristine.


Sa mga sagot ni Cristine ay parang ayaw na niyang magtrabaho sa GMA 7, kaya lang ay may kontrata pa siyang dapat tuparin.
Halos iisa ang komento ng mga nakapanood. Bakit hindi na lang hayaan ng GMA 7 si Cristine kung gusto na nitong lumipat?
Hindi raw kawalan si Cristine sa GMA kaya bakit pinipigilan pa ito at pinag-aaksayahan pa ng panahon ng Siyete? Kung gusto na niyang layasan ang GMA 7, go!

 

NEWS ADVERTISE About our Company Contact Information