Place your ads here
 
 
ENTERTAINMENT
Place your ads here
ENTERTAINMENT
 
‘Wheel of Fortune’ para sa buong pamilya
 

Iikot na ang kapala-ran ng bawat Pilipino ngayong Lunes sa pag­sisimula ng game show na Wheel of Fortune, na pangungunahan ni Kris Aquino.


Gabi-gabi’y hanggang P200,000 ang maaa­ring mapanalunan ng studio players habang P2M, P1M o isang bagong kotse ang naghihintay sa player na papasok sa bonus round.
Mag-uunahan lang ang mga contestant na hulaan ang puzzles sa pamamagitan ng paunti-unting pagbubunyag ng mga let­rang bumubuo rito.


KRIS AQUINO“Para ito sa buong pamilya dahil lahat sila ay maaaring makisaya, makisali, habang na­nonood sa kanilang mga bahay at sabay-sabay na sagutin ang mga puzzles ng game,” paliwanag ni ABS-CBN Business Unit Head Alou Almaden.


Susubukin nito ang talino, talas ng isip, suwer­te at determinasyon ng bawat player lalo pa’t nakasalalay sa bawat ikot ng wheel ang halagang kanilang mapapanalunan, pati na rin ang kanilang magiging kapalaran.


Ang Wheel of Fortune ang longest-running syndicated game show sa Estados Unidos.
Kasama ni Kris sa game show bilang puzzle assistants sina Zara Aldana (Pinoy Big Bro­ther Celebrity Edition 2 housemate) at Jasmine Fitzgerald (Star in a Million finalist).
Ngayong Lunes ay iikot na ang kapalaran nina Ruffa Gutierrez, Mar­tin Nievera at Ma­riel Rodriguez.


Mapapanood ang Phi­lippine version ng Wheel of Fortune bago mag-TV Patrol World sa ABS-CBN.
***
Audition ng Ama­zing Philippine Singing Star 2008 ngayong 5:00 PM sa Manila Film Center, CCP Complex, Pa­say City.


Ang paligsahan ay para sa mga amateur singer, lalaki o babae, 18-25 y/o, Filipino citi­zen at hindi talent ng isang produksyon o recording company.
Magdala ng minus one sa audition at hanapin si Regie. May buwanang kumpetisyon, na premyo ay P50,000 (1st place) P30,000 (2nd place) at P20,000 (3rd place).
Ang grand finals ay sa Disyembre 2008, kung saan ang premyo ay P200,000 (1st place), P100,00 (2nd place) at P70,000 (3rd place).


Ang singing contest ay handog ng The Center for Philippine Arts Culture and Entertainment Associations, Inc., organizer at producer rin ng Ama­zing Show in Manila, Cebu and Boracay Island.
***
Naka ika-17 linggo na ang telefantasyang Zaido, Pulis Pangkalawakan ng GMA 7.
Habang magkakasama sina Alexis (Marky Cielo), Amy (Kris Bernal) at Cervano (Aljur Ab­renica), mag-aaway sina Alexis at Cervano.


Sino sa dalawang binata ang mas matimbang sa puso ng dalaga?
Pagtatangkaan ang buhay ni Gallian (Dennis Trillo). Tututukan siya ng laser blas­ter ngunit magigising siya.


May kinalaman kaya rito si Carmela (Diana Zubiri)?
***
Lalong umiinit na kuwento ng pag-ibig sa koreanove­lang Spring Waltz (napapanood pagkatapos ng Ysabella sa ABS-CBN).


Inamin na nina Christian (Seo Do-Young) at Arianne (Han Hyo Joo) ang kanilang nararamdaman para sa isa’t isa, ngunit sapat na ba ito upang tuluyan na silang maging maligaya?
Pareho nang may nagmamay-ari ng kanilang puso. Si Philip (Daniel Henny) ay nahulog na ang loob kay Arianne samantalang patuloy na lumalalim ang pagtingin ni Yna (Lee So Yeon) sa pinaniniwalaang kababatang si Christian.

 

NEWS ADVERTISE About our Company Contact Information