JANUARY 10, 2013 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 09, 2013
As of 2:00 pm
U. States 40.8399
Bahrain Dinar 108.315
Can Dollar 41.3716
Euro 53.4163
Aus Dollar 42.8871
HK Dollar 5.26534
Japan Yen 0.466762
Saudi Riyal 10.8885
S’pore Dollar 33.2907
Taiwan Dollar 1.40739
UAE Dirham 11.1180
UK Pound 65.5650
 
Custom Search
Karapatan ng co-owners ng lupa
SEN. CHIZ ESCUDERO
 

Dear Sen. Chiz,

Ano po ang karapatan ng nanay ko tungkol sa lupang sakahan na naiwan ng lolo at lola ko sa kanilang magkakapatid?

Matagal nang sumakabilang-buhay ang kanilang magulang at hanggang ngayon ay hindi pa napaghahatian ang 27,410 square meters na lupang sakahan na ito. Ang may hawak ng titulo ay ang bunso nilang kapatid na lalaki at parang ayaw niyang bitawan ang lupa dahil napapakinabangan pa niya ito sa pagtatanim ng palay.

Ang isang ektarya ay nakasanla sa tao. Naisanla ito ng isa pang kapatid na lalaki ng nanay ko. Bale bayaw ng tito ko na bunso ang pinagsanlaan ng lupa.

Ngayon ay nag-request kami na baka pwede ay matulungan kami ng tito kong bunso na mapadagdagan ng P20,000 ang nakasanlang lupa sa bayaw niya dahil sobrang gipit namin ngayon ng mga nanay ko at kung hindi na gipit ay ibabalik din namin ang nasabing halaga kaya lang ay ayaw pumayag ng tito kong bunso at minumura pa niya ang nanay ko.

Walo silang magkakapatid at bunso ang nanay ko sa babae. Nasa 62 years old na ang nanay. Lahat silang magkakapatid ay senior citizen na. Hindi pa napaghahatian ang lupa at parang ang ibang kapatid ng nanay ay ayaw kumilos para mahati at maibenta na ito.

Kung ang nanay ko lang ba mag-isa ang maghahabol may karapatan ba siya? Ano ang dapat gawin?

Halos lahat ng appliances sa bahay ay naibenta na namin. Wala kaming pambayad sa abogado. Ako ay nag-aaply ng trabaho ngayon. Kung makukuha sana ng nanay ko ang parte niya sa lupa ay makakaahon kami nang konti sa buhay at makakabayad sa utang.

Gumagalang,
Emily ng Bulacan

Dear Emily,

Base sa iyong liham, lumalabas na co-owner sa property ang iyong ina sa minana nila mula sa iyong lolo at lola. Ibig sabihin, maaaring gawin ng iyong ina ang anumang naisin niya sa share niya sa co-ownership.

Ibinibigay ng batas o ng Article 493 ng Civil Code of the Philippines sa co-owner ang full owner­ship sa kanyang parte at ang anupamang bagay na matatamasa niya mula rito. Ibig sabihin ay maaari niyang ibenta, paupahan, i-assign, isanla, at gawin ang anumang nais niya rito dahil pag-aari niya ito.

Kung gaano naman kalaki ang share niya sa lupa ay depende kung may agreement dito at kung ano ang agreement dito, o depende sa ginawang division ng mga orihinal na may-ari (ang iyong lolo at lola). Kung walang agreement, ipagpapalagay ng batas na ang bawat share nila ay pantay-pantay.

Sakaling magkaroon ng problema pagdating sa iba pang mga co-owners, maaaring magsampa ang iyong ina ng case for partition. Walang sinuman ang obligado o sapilitang mapapanatili sa isang co-ownership.

Sumasaiyo,
Senator Francis 'Chiz' Escudero

Ilakip ang pangalan at address sa inyong tanong. Ipadala ang liham sa Abante sa No. 167 Liberty Bldg., Roberto Oca St., Port Area, Manila o ang e-mail sa saychiz@chizescudero.com. Maaari ring mag-text sa: CHIZ <space> mensahe sa 2976.

HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION