Kinalos ng Talk ‘N Text ang Alaska, 83-78, sa Cuneta Astrodome kagabi at itinakda ng Tropang Texters ang pakikipagtipan sa kasaysayan.
Kinamada ni Jimmy Alapag ang lahat ng kanyang 15 points sa second half, rumesponde ang ibang Tropa sa fourth quarter bago sinawata ng TNT ang huling kikig ng Aces sa endgame para isara ang PBA Philippine Cup semis sa 4-2.
|