FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  O’Neal humablot ng 14 rebounds
 

PHOENIX --- Bagama’t apat na puntos lamang ang naiambag, patok pa rin si Shaquille O’Neal nang humablot ng 14 rebounds para tulungan ang bagong koponang Phoenix Suns kontra Boston Celtics, 85-77.

Ito ang unang panalo ni O’Neal sapul nang lumipat sa Suns mula sa Miami Heat, kung saan lumasap agad siya ng kabiguan sa kamay ng Los Angeles Lakers, 130-124 noong Miyerkules sa kanyang debut game.

Bukod dito, naitulak ng Phoenix ang Boston sa ikatlong sunod na pagdapa.
Nag-ambag si Steve Nash ng 18 points, kasama na ang magkasunod na tres, habang si Grant Hill ay may 14 points at 13 rebounds at ikalawang sunod niyang double-double sapul noong Disyembre 2-4, 2002.

May 19 points si Kevin Garnett, pero si Paul Pierce ay malamyang 2-for-13 shooting tungo sa 5 points, habang si Ray Allen ay umiskor ng 11 points na 3-for-12 shooting din.

Hindi man lamang umabante ang Celtics sa kabuuan ng laro at nalaglag pa sa 0-3 ng kanilang five-game trip sa West, matapos ang 16-0 run sa Western Conference.

Habang umangat naman ang Suns sa 22-2 laban sa East.
Hindi naman nakabalik sa bench ng Suns si Leandro Barbosa, matapos masugatan sa ibabaw ng kanyang kanang mata nang mahagip ito ni Pierce, may 4:36 na lang.

 

 


Microsoft Internet Explorer 7