Matatalupan na si Jay Bayron, ang winningest amateur noong 2007, sa kanyang debut game bilang isang professional sa Konica Minolta National Pro-Am na nakatakda sa Marso 4-8, sa The Riviera’s Langer sa Silang, Cavite.
“Jay is in high spirits and he told me he wanted badly to win his first tournament as a professional,” ani Jake P. Ayson, ang chair ng Rules Committee ng torneong inisponsoran ng U-Bix Corporation at inorganisa ng National Golf Association of the Philippines (NGAP).
“Jay (Bayron) scored a dramatic victory last year as an amateur in our tournament and I wish him success in his new career as a pro,” sambit naman ni Atty. Edilberto B. Bravo, ang U-Bix chairman at president na nanguna upang palakahin ang total prizes ngayong taon sa record P3 million mula sa dating P1.7M.
Si Jay ang dating amateur partner ni Edwin Estrera nang kopoin ng duo ang ikaanim na edisyon ng event noong isang taon.
Sa pagkakatambal ni Jay Bayron sa kanyang kapatid na si Rufino ngayong taon, sila kaagad ang pinakapaborito at team-to-beat sa serye na may nakatayang dalawang Toyota cars bilang hole-in-one prizes sa tulong ni Daniel M. Isla, ang first vice president ng Toyota Motors Phils. Inc., (TMPI).
Ang all-new Vios ay pag-aagawan sa Marso 4 sa Celebrity Pro-Am na pangungunahan ni dating Presidente Fidel V. Ramos habang ang 10th generation Corolla Altis ang hole-in-one prize sa tournament proper sa Marso 5-8.
Noong 2002, sina Raul at Paul Miñoza ang pinakahuling magkapatid na nagtagumpay sa event, na nagsimula noong 1958 at natengga noong 1995 bago muling buhayin noong 2001 ni Atty. Bravo.
Para sa iba pang detalye tumawag lamang sa U-Bix sa 897-6819, NGAP sa 525-6987 o 524-5160, at sa The Riviera sa 888-9092 o 046-414-2868.
|