FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  Mas gutom ako -- Pacquiao
(Virgi T. Romano)

Halos tatlong linggo na lamang at papagitna na ang “Unfinished Business,” ang rematch nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Marso 16 (Manila time) sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas.

Sa kanyang pitak na “Kumbinasyon,” inamin ni Pacquiao na habang papalapit ang petsa ng kanyang pakikipagtipan kay Marquez ay pabilis din ng pabilis ang pintig ng kanyang puso.

Pero, hindi ito nanga­ngahulugang kinakabahan siya sa laban, bagkus ay sobrang excitement lamang ang kanyang nararamdaman.

“Sa mga nakakakilala sa akin, hindi po ako kina­kabahan, excited lang talaga ako kaya bumibilis ang pintig ng puso ko,” lahad ni Pacquiao.

Batid ng Filipino ring idol na pinaghahandaan siyang mabuti ni Marquez, pero, mas gutom siya para tapusin ang kanilang laban.

“I am in my best shape,” komento niya. “I am also reaching my peak at the right time, so I expect to give everyone a good show on March 15.”

Muling tinapos ni Pacquiao ang 30 rounds ng sparring, na tig-sapung round tuwing araw ng Martes, Huwebes at Sabado at sa papasok na linggo ay magsisimula naman ang 12 rounds niyang isparing sa apat hanggang limang sparring mates na iniha­handa ng kanyang trainer na si Freddie Roach.

Binanggit din ng 29-anyos na Pinoy boxer, ang pagkadagdag ng isang lightweight contender sa katauhan ni Ramon Montano bilang kanyang bagong kaispar.
Si Montano ang makakasagupa ni WBC lightweight champion David Diaz, na undercard sa Pacquiao-Marquez rematch.

Inaasahan din ni Pacquiao na makukumpleto niya ang 130 hanggang 140 rounds ng isparing sa susunod na dalawang linggo, bago umano sila tuluyang tumungo sa Las Vegas.

 

 


Microsoft Internet Explorer 7