FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  BENTAHE KANINO?
ni Ramil Cruz

Tatatluhang dikit nang umaastig na Purefoods Tender Juicy Hotdogs ang lumalambot na Sta. Lucia Realty sa krusyal na Game Five ng kanilang 2007-08 Smart Philippine Basketball Association Philippine Cup best-of-seven title duel ngayon.

Muling tatapak ang dalawang hukbo sa Araneta Coliseum sa Quezon City saktong alas-6:30 ng gabi na may parehong misyon -- ang wasakin ang naghuhugpong sa kanilang tigalawang panalo. Pero balik sa pamilyar na papel bilang patok nang muli ang Purefoods matapos pulbu­sin ang Sta. Lucia sa huling dalawang komprontasyon at dalhin ang race-to-four win sa deadlock 2-all.

Subalit makaraan ang 106-98 at 118-107 wins sa Games 4 at 3, nahaharap sa pinakamabigat nilang pagsubok sa unang pagkakataon sa serye ang Giants dahil sa paglaho ni team leading PBA Press Corps Finals Most Valuable Player contender James Carlos Yap.

Ang 6-2 shooting guard bukod sa pinagmulta ng P20,000 ay hinataw ng isang larong suspension ni league commissioner Renauld Barrios. At bagama’t iniapela rin ng team na maging epektibo na lamang ang suspension sa cager sa Fiesta Conference na sisiklab sa Marso 29 dahil sa unang pagkakasala pa lang ito ni Yap sa loob nang tatlong taon, kinampihan kahapon ng PBA board sa pagtrangko ni chairman Antonio Chua ng Red Bull Energy Drinks si Barrios na manatili ang desisyon nito ay i-apply ngayong araw.

“We will go out and play, we will come out strong, with or without James. But definitely we will miss James,” bulalas ni Paul Ryan Gregorio, na minimithing unang ma­ging coach sa may 20 taon ng prangkisa na nagwagi ng dalawang titulo sa centerpiece tournament ng pro league at magiging panlima ng tropa sa nasabing kategorya o pangwalo sa pangkalahatan. “It’s about fighting and surviving again.”

Kung kaya mabigat ang nakaatang sa balikat nina Kerby Raymundo, Peter June Simon, Jean Marc Pingris Jr., Chico Lanete at Romel Adducul para matakpan ang butas ni Yap.

‘Di rin masisilayan ang kamador na gwardya ng SLR na si Joseph Yeo dahil sa hinambalos sa kanya kahapon ni Kume Barrios na 1-game suspension din at P30,000 fine naman dulot din ng flagant 2 foul kagaya nang tinawag kay Yap sa pagbanat sa pisngi ni Tito Castillo sa natitirang 17.4 segundo sa laro kamakalawa.

 

 


Microsoft Internet Explorer 7