FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Kailan dapat humatol
Mateo 7:1-12



Dadalhin ng Dios ang bawat gawa sa paghuhukom... maging ito’y mabuti o masama. -- Eclesiastes 12:14

Maraming tao ang naniniwala na sinabihan ang Cristiano na huwag hatulan ang iba kailanman. Bilang “patunay” binabanggit nila ang sinabi ni Jesus sa Mateo 7: “Huwag humatol nang ‘di kayo mahatulan.” Ngunit sa masusing pag-unawa ng sinabi ni Jesus, makikita na may mga sitwasyon na kailangan nating humatol.
Sa tt.1-5, nagbabala si Jesus sa kung paano tayo madaling mabulag sa ating sariling mali pero nakikita ang sa iba. Ngunit sa t.6, ipinakita Niya ang kahalagahan ng paghatol. Sabi Niya “Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang mga banal na bagay; at huwag kayong magtapon ng inyong mga perlas sa harap ng mga baboy; baka yurakan ng mga ito ng kanilang mga paa at pagbali­ngan kayo at lapain.”
Para masunod ang turo ni Jesus, dapat matutuhan natin ang pagkakaiba ng paghatol sa tao at ng pagsusuri ng mga sitwasyon. Ngunit sino sa atin ang sapat ang karunungan upang pag-isipan ang mga sitwasyon nang hindi hinahatulan ang mga taong sangkot dito? Kaya nga, sa mga talatang 7-11, sinasabihan tayo na tapat at masigasig tayo sa paghiling, paghanap at pagsamo ng tulong ng Ama sa langit. At “ang inyong Ama na nasa langit ang (magbibigay ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa Kanya.” (t. 11).
Tuwing gagawa ng paghatol, manalangin, na itinatanim sa isip na ang Dios ang Siyang magdadala ng “bawat gawa sa paghuhukom pati ang bawat lihim na bagay, maging ito’y mabuti o masama” (Eclesiastes 12:14) -- Albert Lee

Kung kailangang hatulan
Ang nakitang masama at mabuti sa isang sitwasyon
Tawag ng tungkulin huwag uurungan
At ipanalanging gabayan ng karunungan ng Panginoon. -- Hess

 

 

Microsoft Internet Explorer 7