FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
May pag-asa ang RP kay Noli -- Mayor Lim
(Tina Mendoza)
 

Pinapurihan kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim si Vice President Noli ‘Kabayan’ de Castro na bagama’t hindi direktang sinabing maaaring maging susunod na Pangulo ng Pilipinas ay tinuran naman bilang lehitimong public servant at totoong lider.

Ang dalawa ay nagkita sa Manila City Hall kasunod ng paglagda ng joint housing project ng Manila Local Government at National Housing Authority (NHA) kung saan si De Castro ang s’yang tumatayong Chairman.

Sa kanyang talumpati sinabi ni Lim na si De Castro ang maituturing na “sa­viour of the people” at inihalimbawa nito ang mga progra­mang isinulong ng Vice President na nakatuon para sa mga mahihirap.

“Si Kabayan po ay isang tunay na tagapaglingkod ng taumbayan. Hindi po siya balatkayo. Kaya naman po naniniwala ako na may pag-asa ang bayan kay Vice Pre­sident Noli De Castro,” pahayag ni Lim.

Sa kanyang panig sinabi naman ni De Castro na lubos nitong ikinatutuwa ang papuri mula sa iba’t ibang sektor, nangangahulugan lamang umano ito na maganda ang mga programang kanyang isinusulong at tanggap ito ng publiko.

Tumanggi naman ito na sagutin ang pahayag kung maari na itong maging susunod na Pangulo, aniya, nasa taumbayan ang pagpapasya ng lahat.

Sa ilalim ng kasunduan ang NHA ay magdodonate ng 1,784 square meter na ari-arian sa Dagupan, Tondo kung saan ang lokal na pamahalaan na ang s’yang gagastos para sa pagpapatayo ng 3-gusaling housing project.

“Each building will have 35 units or a total of 105 housing units intended for Manila policemen, teachers and employees,” ayon pa kay Lim.

Abut-abot naman ang pasasalamat ni MPD Director Chief Superintendent Roberto Rosales ang programang housing project na magsisilbi umanong inspirasyon ng mga kapulisan upang pagbutihin pa ang kanilang trabaho.

 

Microsoft Internet Explorer 7