FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 

Erap payag humalili kay Gloria

(JB Salarzon)
 

Kung gugustuhin ng mamamayang Pilipino pagkatapos mag-resign si Pangulong Gloria Arroyo sa kanyang puwesto, sinabi ni dating Pangulong Joseph Estrada na handa siya na maging kapalit ni Arroyo.

Sinabi ni Estrada na malaking karangalan para sa kanya ang muling maluklok bilang pangulo ng bansa “kung ‘yan ang kagustuhan ng mamamayang Pilipino.”
Ang dating pangulo, kasama si Makati City Jejomar Binay, ay kasalukuyang nasa Baguio City upang dumalo sa taunang selebrasyon ng Panagbenga, o ang tanyag na flower festival sa bansa.

Kasabay nito, nanawagan din si Estrada sa Armed Forces of the Philippines na manatiling “protector” ng taumbayan.

“I call on all sectors specially the men in uniform to heed the call of the people pursuant to their constitutional role as protector of the sovereign people,” ani Estrada.

Ngunit nilinaw ni Estrada na kailanman ay hindi siya sasali sa mga gagawing kilos protesta sa paggunita ng EDSA People Power 1 upang patalsikin sa puwesto si Arroyo.

Aniya, hindi siya naniniwala sa mga mass actions.

 

Microsoft Internet Explorer 7