FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Pondo para kay Lozada lumalaki
(Irish Ann Cruz)
 

Siyam na araw pa lamang matapos na ilunsad ng church-based group na Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) ang sanctuary fund para kay National Broadband Network (NBN)-ZTE deal star witness Rodolfo ‘Jun’ Lozada ay mabilis na itong lumobo sa mahigit sa isang mil­yong piso.

Ayon kay AMRSP Exe­cutive Secretary Sis. Es­trella Castalone, sa ka­nilang huling tala ay uma­bot na sa P1,007,537.75 ang kabuuang halaga na kanilang nalikom para sa sanctuary fund ni Lozada.

“As of Friday mor­ning, the fund was at P849,192.75 but the AMRSP still received a total of P158,345.00 la­ter in the afternoon,” ani Castalone kasabay ang pahayag na karamihan umano sa mga donors ay tumangging magpakilala at sinasabing sila’y pawang mga concerned citizen lamang.

“Donations to the fund only reflected the public’s support in the quest for truth they and other civil society groups are calling,” dagdag pa ng madre.

Sinabi naman ni Cas­talone na bagama’t ma­laki na ang nasabing halaga, hindi pa rin naman ani­ya ito sapat dahil sa kabi-kabilang legal battles na dapat pang kaharapin ni Lozada bunga ng kanyang naging matapang na pagsisiwalat ng kurakutan sa pamahalaan sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng ano­malya sa NBN project.

Labis rin naman ang pasasalamat ni Castalone sa mga taong nagbibigay ng donasyon at suporta kay Lozada kasunod ang paglilinaw na ang salaping nalikom ay gagamitin din sa iba pang lalantad na “whistleblowers” laban sa mga anomalya sa pamahalaan.

 

Microsoft Internet Explorer 7