Sa halip na magpagamit sa Malacañang, pinayuhan ng kampo ni Pangasinan Rep. Jose de Venecia Jr., si Presidential Anti-Smuggling Commission (PASG) chief Antonio ‘Bebot’ Villar na ituon ang atensyon kina First Gentleman Mike Arroyo at Pampanga Rep. Mikey Arroyo.
“Malacañang should refocus its attention to the real bigtime smugglers: Mike Arroyo and son Mikey,” pahayag ng asawa ni De Venecia na si Manay Gina de Venecia.
Sa katunayan umano, minsan nang nagreklamo sa kanya si Villar dahil sa pressure na natatanggap nito mula sa esposo ni Pangulong Arroyo para huwag higpitan ang mga smugglers na malalapit sa kanya.
“Villar during his early months at PASG, wanted to quit because he could no longer take the pressure from FG and son and their cohorts. He said that FG was forcing him to tolerate the smuggling activities of his mistress Vicky Toh and her brother Lito Toh. Mikey on one hand serves as the protector of his mistress, whom Villar described as a certain Almeda,” ani pahayag ni Manay Gina.
Ito umano ang dapat tutukan ni Villar sa halip na magpagamit sa black propaganda ng Malacañang laban sa pamilyang De Venecia na tuluyan nang nasira ang relasyon sa mga Arroyo.
Ayon naman sa Pangasinan solon, ang Oil Link na sinabi ni Villar na pinapadrino nito ay mas malapit sa Malacañang lalo na sa anak na babae ni Arroyo na si Luli Arroyo.
Sinabi ni De Venecia na ang may-ari ng Oil Link ay ama ni Roxas Chua, isang miyembro ng gabinete ni Arroyo at kaibigan umano ng presidential daughter na si Luli.
“Investigate the Oil Link whose owner is the father of Roxas Chua, a cabinet member and friend of Luli,” anang mambabatas na naniniwalang ginagamit ng Malacañang si Villar sa black propaganda laban sa kanyang pamilya.
|