FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Sabayang rally ikinasa sa 16 siyudad
(Bernard Taguinod)
 

Upang patunayan na hindi lamang sa Metro Manila mainit ang kampan­ya laban sa katiwalian sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bukas, magkakaroon ng sabayang rally sa may labing-anim na siyudad sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes para ipamukha umano sa administrasyon ni Arroyo na maling-mali ang kanilang propaganda na mga taga-Metro Manila lamang ang gustong mapababa si Arroyo sa kapangyarihan.

Ayon kay Reyes, bukod sa rally sa Mendiola matapos payagan ni Manila Mayor Alfredo Lim na gamitin ng mga rali­yista ang makasaysayang lugar, magkakaroon din ng kasabay na pagkilos sa Baguio City, Calamba, Legaspi, Naga, Sorsogon, Daet, Masbate, Virac, Davao, Butuan, Surigao, Tandag, Bislig at Cagayan de Oro.
Maging ang grupo ni dating Anakpawis party-list Rep. Rafael Mariano sa Bulacan at Nueva Ecija ay magkakaroon din umano ng rally sa ika-22 taong anibersaryo ng Edsa 1 kung saan ipapanawagan ng mga ito ang pagbaba ni Arroyo sa kapangyarihan.

Ang aksyong ito ng mga raliyista ay kasunod ng mga propaganda ng Malacañang at ng kanilang mga kaalyado na sa Metro Manila lamang nagkakaroon ng pangugulo sa administrasyon ni Arroyo habang ang mga taga-lalawigan ay katahimikan ang gusto.

Kinumpirma ni Reyes na maraming mga pana­nakot ang ginagawa ng gobyerno tulad ng pagtatanggal sa prangkisa ng mga sasakyan na kanilang gagamitin gayundin ang pagpapakita ng puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kahapon ay ipinakita ng AFP ang kanilang puwersa na isasabak sa mga raliyista kung kinakaila­ngan habang ang PNP ay naghahanda ng hanggang 10,000 pulis upang matiyak ang kapayapaan sa mga rally site.

Subalit sa kabila nito, wala umanong balak ang mga raliyista na iatras ang kanilang mga kilos protesta na posibleng magpatuloy hanggang sa mas malaki pang rally na gagawin sa Makati City sa Pebrero 29 na pangu­ngunahan ng Simbahang Katoliko.

“Despite the dirty tactics being employed by the Arroyo regime in secu­ring rally venues, we are confident that the Monday protest actions will be successful. We are aware of the counter-mobilizations being planned by the go­vernment. These are really desperate moves from a very insecure regime,” ani Reyes.

 

Microsoft Internet Explorer 7