FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
OTHER NEWS
 
PEKENG KUDETA ITATAPAT SA PEOPLE POWER
Ni Bernard Taguinod
Gagawa ang mga kaalyado ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng senaryo para maharang ang kinatatakutan nitong people power dahil wala umanong balak ang Pa­ngulo na bumaba sa kapangyarihan.
 
Sabayang rally ikinasa sa 16 siyudad
(Bernard Taguinod)
Upang patunayan na hindi lamang sa Metro Manila mainit ang kampan­ya laban sa katiwalian sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bukas, magkakaroon ng sabayang rally sa may labing-anim na siyudad sa iba’t ibang panig ng bansa.
 
FG at Mikey itinuro sa bigtime smuggling
(Bernard Taguinod)
Sa halip na magpagamit sa Malacañang, pinayuhan ng kampo ni Pangasinan Rep. Jose de Venecia Jr., si Presidential Anti-Smuggling Commission (PASG) chief Antonio ‘Bebot’ Villar na ituon ang atensyon kina First Gentleman Mike Arroyo at Pampanga Rep. Mikey Arroyo.
 
Pondo para kay Lozada lumalaki
(Irish Ann Cruz)
Siyam na araw pa lamang matapos na ilunsad ng church-based group na Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) ang sanctuary fund para kay National Broadband Network (NBN)-ZTE deal star witness Rodolfo ‘Jun’ Lozada ay mabilis na itong lumobo sa mahigit sa isang mil­yong piso.
 
Erap payag humalili kay Gloria
(JB Salarzon)
Kung gugustuhin ng mamamayang Pilipino pagkatapos mag-resign si Pangulong Gloria Arroyo sa kanyang puwesto, sinabi ni dating Pangulong Joseph Estrada na handa siya na maging kapalit ni Arroyo.
 
Kapulisan sa Metro Manila inalerto sa Feb. 25 rally
(Nilo Marasigan)
Isinailalim na kahapon sa heightened alert status ng Philippine National Police (PNP) ang buong puwersa nito sa Metro bilang paghahanda sa ilalargang mga kilos-protesta kasabay ng paggunita sa ika-22 taong anibersaryo ng people power sa EDSA noong 1986.
 
May pag-asa ang RP kay Noli -- Mayor Lim
(Tina Mendoza)
Pinapurihan kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim si Vice President Noli ‘Kabayan’ de Castro na bagama’t hindi direktang sinabing maaaring maging susunod na Pangulo ng Pilipinas ay tinuran naman bilang lehitimong public servant at totoong lider.
 

Microsoft Internet Explorer 7