FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Kamara playground ng 2 bagitong solon
(Bernard Taguinod)

Mistulang nagiging playground ng mga batang mambabatas ang plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pangunguna ng dalawang solon na maimpluwensya sa gobyerno.

Ito ang obserbasyon ng DPA ng TONITE ukol sa mga mambabatas na ito lalo na kung kasama nila ang dalawang solon na kanilang dinidikitan dahil sa tindi ng kanyang impluwensya.

Ang nakakahiya lamang, hindi magandang tingnan para sa mga kabataang estudyante na nagsasagawa ng educational tour sa Kongreso ang tila paglalaro ng mga mambabatas habang abala ang kanilang mga kasama­han sa paggawa ng batas.

Hindi lamang ang DPA ng TONITE ang nakakapansin na tuwing present ang dalawang batang mambabatas ay magulo sa kanilang upuan dahil dinudumog sila ng kanilang mga kasamahan na sumisipsip sa kanila.

Animo’y mga batang naglalaro ang mga ito sa plenaryo dahil naghaharutan ang mga ito at kapag humalakhak ay dinig na dinig ng mga tao sa gallery lalo na ang mga estudyante na may educational tour sa Kamara.

Walang ipinagkaiba sa mga pasaway na bata ang mga mokong dahil hindi iniintindi ang debate sa plenaryo gayung wala pa silang natutunan sa pagiging mambabatas.

Kahit ang mga kasamahang mambabatas ng grupong ito na pinapangunahan ng dalawang solon, ay naiirita na sa kanilang kaguluhan sa plenaryo.

Saka lamang matahimik ang lugar ng dalawang mambabatas kapag wala sila sa plenaryo as in absent subalit kakaiba ang kaguluhan kapag present naman sila.
Dahil dito, hiyang-hiya ang mga beteranong mam­babatas sa mga bisita sa Kamara lalo na ang mga kabataan dahil hindi uso ang “galangan” sa Kongreso dahil sa asta ng grupo ng dalawang solon.


Clue: Hindi na papangalanan ang dalawang solon na ito pero matindi ang kanilang arrived sa Kongreso. Walang sinuman ang puwedeng bumangga sa mga ito dahil sa kanilang impluwensya.

 

Microsoft Internet Explorer 7