FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
FEATURES
 
Sunday Tonite Trivia
 
 

Mga paaralan noon at ngayon

Itinatag ang De La Salle College noong 1911 nang magbukas ang Brothers of the Christian School ng kauna-unahan nitong paaralan sa Pilipinas. Itinayo ito sa Gen. Luna St., Maynila. Mula sa pagiging kolehiyo ay naging unibersidad ang De La Salle noong Pebrero 19, 1975.

***

Ateneo Municipal de Manila ang orihinal na pangalan ng Ateneo de Manila University. Binuksan ito sa Intramuros noong 1859 bilang primary school. Naging isang institusyon para sa secondary education noong 1865. Noong 1932, lumipat ang Ateneo sa Padre Faura St., Maynila matapos mawasak ng sunog ang paaralan nito sa Intramuros. Taong 1952 ay lumipat muli ang Ateneo sa kasalukuyan na nitong kinalalagyan sa Loyola Heights, Quezon City. Naging unibersidad ito noong 1859.

***

Ang University of the East ay itinatag matapos ang World War II sa taon kung kailan nakalaya ang Pilipinas mula sa Estados Unidos. Nagsimula ang UE sa isang inuupahang kuwarto sa Dasmariñas St., Maynila. May 110 mag-aaral lamang ito nang magbukas para sa CPA (certified public accountant) review classes noong Hulyo 1946.

***

Taong 1928 nang itatag ang Far Eastern University. Institute of Accountancy ang orihinal na pangalan nito. Itinayo ng mga kilalang edukador sa pangunguna ni Dr. Nicanor Reyes Sr. Noong 1930 ay pinalitan ng pa­ngalan at tinawag na Institute of Accounts, Business and Finance. Taong 1934 ay naging unibersidad at nakilala mula noon bilang FEU.

***

Dating Manila Trade School ang pangalan ng Technological University of the Philippines na itinatag noong 1901 sa pamamagitan ng Philippine Commission. Pina­litan ang pangalan nito at ginawang Philippine School of Arts and Trades (PSAT). Taong 1959, sa bisa ng isang batas ay ginawang state college ang PSAT at nakilala sa bagong pangalan na Philippine College of Arts and Trades (PCAT). Sa pamamagitan ng Presidential Decree No.1518 ay naging TUP ang pangalan nito.

***

Isang government educational institution ang Polytechnic University of the Philippines na itinatag noong Oktubre 1904 bilang bahagi ng city school system. Ang una nitong pangalan ay Manila Business School at itinayo para sa layuning makapagsanay ng mga personnel para sa government service at magbigay ng kasanayan sa private employment. Noong 1908 ay tinawag na Philippine School of Commerce. Pinagsanib sila ng Philippine Normal School simula 1933 hanggang 1946. Noong 1952, pinalitan muli ng pangalan at ginawang Philippine College of Commerce. Abril 1, 1978 ay naging charted state university at nakilala mula noon bilang PUP.

 

Microsoft Internet Explorer 7