FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Misis ng celebrity, kinayayamutan
ni:Rey Pumaloy
 


Kinayayamutan ng kanyang mga da­ting kaibigan ang asawa ng isang sikat na celebrity.

Kapag umuuwi sa ka­nilang bayan, mistulang diyosa kung umasta si misis.
Kahit nadadaanan niya ang mga dating kasama at kaibigan, hindi nagbababa ng bintana ng sasakyan si misis.

Hindi ito lumalabas ng bahay kapag naroon ito sa kanilang lugar.
Kung may pupunta­han si misis, kahit ilang hakbang lang at pwedeng lakarin, nagpapahatid pa ito sa kotse.

Bago nag-asawa si babae, kasa-kasama siya ng mga kaibigan sa pagla­lakad papasok sa eskuwela at pauwi sa kani-kanyang tirahan.
Mahirap dati ito. Pa­nay ang utang ng pamilya nito sa mga kaibigan.

Ngayon ay nilamon ng karangyaan si misis. Naging maramot siya.
Kapag nababati ito sa mall sa kanilang lugar, hanggang ‘hi’ lang ito at umiiwas agad.
Ayaw niyang magpautang sa mga dating inuutangan.
Pag pinuntahan ito sa bahay, nagpapasabi itong natutulog, hindi pwedeng maistorbo o wala sa bahay.

***

Hanggang ngayon, hindi pa ganap na nakaka-move on ang isang film director sa hiwalayan nila ng isang sexy stud.

Kinse anyos ang lalaki nang alagaan ni direk.
Lahat ng klaseng suporta at pagmamahal ay ibinigay ni direk sa lalaki.
Ramdam ni direk na na-appreciate ni sexy stud ang importansyang ibinibigay niya rito.

Ilang beses ipinangako ni sexy stud kay direk na hindi sila maghihiwalay, kahit balikan pa siya ng kanyang ina na umiwan sa kanya noong bata siya at pumunta sa ibang bansa.

Katwiran ni sexy stud, ang ibinigay ni direk na pagmamahal sa kanya ay hindi niya naramdaman sa ina niya.

Nagkaproblema ang kanilang pagsasama nang magkainteres si sexy stud na pasukin ang showbiz. Tumutol si direk. Mas gusto niyang magtapos ng pag-aaral ang alaga.

Nag-init ang ulo ni direk nang malaman niyang nagpa-pictorial ang lalaki nang sexy bilang paghahanda sa pagpasok sa showbiz.

Kaibigan ni direk ang photographer kaya nagawa nitong bawiin ang mga larawan ni sexy stud.

Kinumpronta ni direk ang alaga. Nagtalo sila.
Sumiklab ang galit nila sa isa’t isa.

Natuloy sa pagpapa-sexy si lalaki. Hindi na bumalik ang maayos na relasyon nila ni direk.

Ang pagso-showbiz ni sexy stud ang naging tulay para magkaroon sila ng communication ng kanyang ina.

Naging parang magkaibigan na lang sina direk at si sexy stud. Na-in love si sexy stud sa isang baguhang aktres hanggang sa pakasalan niya ito.

Wala na sa Pilipinas si sexy stud at ang kanyang misis.
Ang ala-ala ng maganda nilang samahan ni sexy stud ay mananati­li sa puso ni direk.

 

Microsoft Internet Explorer 7