Iniluwal na ni Jennifer Lopez (38 y/o) ang kanyang kambal noong Biyernes sa Long Island, New York.
Naunang lumabas ang babaeng sanggol (5 pounds, 7 ounces) at sumunod ang kakambal nitong lalaki
Ang kambal ang mga unang anak ni Jennifer, samantalang pangatlo at pang-apat para sa mister niyang si Marc Anthony.
***
Limampu’t dalawang (52) taong gulang na si Edu Manzano, nguni’t aktibung-aktibo pa rin siya.
Nagho-host siya ngayon ng tatlong TV shows -- Game Ka na Ba?, 1 vs. 100 at Umagang Kay Ganda. Naglilingkod pa siya bilang chairman ng Optical Media Board (OMB).
Aktibo pa rin siya sa judo at all-terrain-vehicle racing.
“I always make time to try out new things. And to keep my body in shape,” ani Edu.
“Nagstart ako ng judo mga 9 years old. In 1978, nag-captain ako sa De La Salle University Judo Team and sabay umabot ako sa 4th dan black belt.
“I eventually became the executive vice-president of the Phil. Amateur Judo Association.
“I was doing small bikes before hanggang nag-graduate ako sa big bikes. Ang nagustuhan ko sa kanila - - meron kang nakukuhang energy rush na parang lumalaki ang dibdib mo, napapangiti ka ng mas malaki and it never failed to allow you to feel free…
“Importante para sa akin, that no matter how old I am, kailangan, laging ensayado ako.
“I have a healthy diet. I take the proper vitamins and supplements that allows me to engage in any kind of physical activity na gusto ko.”
Opo! Nagte-take si Edu ng HavITAll, a multivitamin formulated to enhance normal cell regeneration!
***
Nakaranas ng hyperacidity si Luis Manzano.
Ani Luis, “Because of my busy schedule, I would get hyperacidity whenever I’m stressed. Or sometimes when I take too much tea.”
Dati, tinitiis niya ang hyperacidity. Minsan, hinihintay na lang niyang kusang mawala ang sakit.
Sabi pa ni Luis, “Good thing the Unilab team came along and explained all of these to me.”
Ngayon, isa na siyang total convert. Panlaban niya sa hyperacidity ang Kremil.
“I never leave home without Kremil because hyperacidity can attack anytime. And I don’t want to take chances,” lahad ni Luis.
“Better to treat it properly now than be sorry later. Mahirap nang magka-ulcer.”
***
Nakaaaliw na naman po ang All Star ‘K’ The P1,000,000 Videoke Challenge ngayong gabi sa GMA 7.
Ang pitong pareha na magpapasiklaban ay sina Paolo Paraiso & Georgia de los Reyes of McCann, Marco Alcaraz & Geraldine Madarang of Publicis, Lian Paz & Paolo Broma of BBDO, Angelika de la Cruz & Reynaldo Tolentino of Publicis, Rich Asuncion & Lilit Reyes of Blackpencil, Aira Bermudez & Eugene Demata of DM9, at Paolo Avelino & Zhermagne John Abero of McCann.
Ang K!Ller ay si K Brosas.
***
Sa mga hindi pa sure kung saan magbabakasyon sa Holy Week, baka type n’yong subukan ang pumunta ng Sagada sa Mt. Province.
Isa ang Sagada sa mga paboritong destinasyon ng mga foreign tourist sa Northern Luzon dahil sa famous hanging coffins and burial caves nito.
Dinadayo rin ito para sa trekking, mountain climbing at spelunking adventure (dahil sa magagandang kuweba nito).
Now on its 6th year, may Sagada Holy Week Tour (with free Banaue sightseeing tour) ang Pagan Nomads ngayong Marso 19-23.
For inquiries, tumawag sa tel# 411-8539, 412-5783, 409-4242 at 416-2781.
***
Gaganapin ang 3rd MYX Music Awards sa Marso 26 sa Meralco Theater.
Tiglilima ng nominasyon sa 2008 MYX Music Awards ang rock bands na Bamboo at Chicosci.
Tig-aapat ng nominasyon sina Sarah Geronimo, Gloc 9 at ang Sponge Cola (biggest winner last year).
40% ng boto ay manggagaling sa OPM artists samantalang ang natitirang 60% ay mula sa mga manonood. Ang voting period ay mula Pebrero 7 hanggang Marso 10.
Panoorin ang MYX 24/7 sa Skycable Channel 23 para sa mga update tungkol sa MYX Music Awards.