FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Comebacking starlet, nag-inarte
ni: Jojo Gabinete
 

Kinumpirma ng isang kilalang celebrity na masama ang ugali ng aktres na tila nalulunod sa isang baso na tubig.

Hindi nag-elaborate ang sikat na celebrity tungkol sa masamang ugali ng aktres pero pinaniwalaan namin siya dahil nagkasama sila sa isang primetime TV series.

Na-turn off ang celebrity sa attitude ng aktres kaya ayaw na niya na magkasama sila sa trabaho.

Mas pinapaboran ng celebrity ang aktres na gumaganap na kontrabida sa teleserye dahil likas ang kabutihan nito.

***

Kinairitahan ang isang comebacking starlet na wala pang napapatunayan sa showbiz dahil ang kampo na niya ang nag-request na i-guest siya sa isang show, siya pa ang may ganang mag-inarte.

Tumanggi ang comebacking starlet na magsuot ng shorts sa harap ng kamera dahil magagalit daw ang kanyang mga magulang.

Walang nangyari sa pag-iinarte ng starlet dahil ang equally pasaway na staff member ng show ang nasunod.

Ginupit ng staff member ang pantalon ng starlet para magmukhang shorts ang kanyang suot.

***

Nailang kami habang nagkukuwento si Rochelle Barrameda sa presscon ng Ate tungkol sa relasyon nila ng kanyang asawang si Jimwell Stevens.

Nailang kami dahil within hearing distance ang boses ni Rochelle kaya imposibleng hindi naririnig ni Jimwell ang kanyang mga sinasabi.

Hindi uso kay Rochelle ang off-the record dahil sinasagot niya ang lahat ng katanungan ng mga reporter.

Naisip namin na posibleng epekto ‘yon ng pagkawala ng kanyang kapatid kaya naging matapang si Rochelle sa pagsasalita.

Nakita ni Jimwell ang ilang beses na pag-iyak ni Rochelle. More or less, may idea siya na topic ang relasyon nila ng kanyang asawa.
Ayon kay Rochelle, pinipilit niya na bumalik sa dati ang magandang relasyon nila ni Jimwell.

***

Na-appreciate ng mga reporter ang pagiging honest ni Cristine Reyes dahil hindi nito itinanggi ang balita na nag-date sila ni Dennis Trillo sa isang restaurant sa Makati City noong Valentine’s day.

Nalaman ng entertainment press ang dinner date nina Cristine at Dennis dahil sa detal­yadong email na ipinadala sa amin ng isang reader na nakakita sa kanila.
Wala mang direktang pag-amin na nanggaling mula kay Cristine, naniniwala ang mga reporter na dumalo sa presscon ng Ate na nagkabalikan sila ni Dennis.

***

Ginawang National Anthem ng mga Pinoy Idol aspirant ang Listen ni Beyonce, If I Ain’t Got You ni Alicia Keys at Kung Mawawala Ka ni Ogie Alcasid.

Nang mag-obserba kami sa Pinoy Idol audition noong Huwebes, ang mga kanta nina Ogie, Alicia at Beyonce ang madalas na umalingawngaw sa malawak na convention hall ng SMX.

May tip kami sa mga kababayan namin na na­ngangarap na maging con­testant sa Pinoy Idol.

Hangga’t puwede, iwasan ninyo na kantahin sa audition ang mga nabanggit na awit dahil kung ito ang paulit-ulit na maririnig ng judges, may posibilidad na hindi nila ma-appreciate ang inyong talent.

Mga tao rin sila na marunong masawa at naghahanap ng sariwa sa kanilang mga pandinig.

***

Nakumpirma ng Deparment of Health ng New York City na may sakit na Hepatitis A ang isa sa mga bartender na nagsilbi sa birthday party ni Ashton Kutcher sa Socialista noong Pebrero 7, 2008.

Bilang precautionary measure, hinihikayat ng DOH si Ashton at ang mga bisita nito na magkaroon ng hepatitis shot.

Mga sikat na celebrity tulad nina Madonna, Gwyneth Paltrow, Salma Hayek at Bruce Willis ang dumalo sa birthday party ni Ashton.

At risk din ang ibang mga kostumer na madalas na tumambay sa Socialista kaya kinukumbinsi sila ng DOH na magpaturok ng anti-Hepatitis vaccination. 
Jaundice, fatigue, abdominal pain, nausea at diarrhea ang ilan sa mga sintomas ng Hepatitis A.

Naglabas na ng statement ang management ng Socialista tungkol sa insidente. Wala pa raw silang natatanggap na report na may nahawa sa sakit ng bartender pero nakikiayon sila sa payo ng DOH na magpaturok ng gamma globulin ang kanilang mga parokyano bilang pag-iingat.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

 

Microsoft Internet Explorer 7