FEBRUARY 24, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Dina, walang dapat ipag-alala kay Kristine
ni: Allan Diones
 

Gandara talaga si Kristine Hermosa kaya ‘pinag-aawayan’ siya ng mga lalake. Kamakailan sa isang interview ay nabanggit ni Oyo Sotto na ‘unconditional love’ ang nararamdaman niya para kay Kristine.

Nag-react doon ang ex-boyfriend (at ex-husband) ni Kristine na si Diether Ocampo. Parang hindi aniya consistent si Oyo dahil sinasabi nitong hindi nito nililigawan si Kristine at magkaibigan lang sila, tapos ay may mga ganu’n itong pahayag.

Hiningi ng press ang reaksyon dito ni Kristine sa presscon ng My Big Love ng Star Cinema nu’ng Huwebes nang gabi.

Sey ni Kristine, “Mga lalake ‘yan, eh! So, hindi mo maiiwasan ‘yung mga reaction nila na ganyan. Pero sabi ko nga, ‘pag emotions na ang nagsalita, hindi tayo ang in control diyan.

“Kumbaga,hindi ako ang in control, hindi si Diet ang in control. Si Oyo naman, nagiging honest lang. Si Diet din, nagiging honest lang siya sa nararamdaman niya.

“So, I guess, walang problema. Basta huwag lang silang mag-aaway, kasi, hindi ko na magugustuhan ‘yon,” natatawang sabi ng magandang aktres.
Inaamin ba mismo sa kanya ni Oyo na may feelings ito para sa kanya?

“Naririnig ko na nga lang ‘yung mga ganyan sa mga interviews niya eh, na mga unconditional love. Pero sa akin mismo, hindi niya sinasabi ‘pag kaming dalawa lang na, ‘I love you et cetera et cetera…’”

So, ano ’yon? Mag-MU lang ba sila ni Oyo?
“Hindi rin po! Kasi, alam naman niya na hindi ako ready to enter a relationship yet. So, hindi siya maglalakas ng loob na sort of mag-propose ng nararamdaman niya,” esplika ni Tin.

So, anong status ngayon ni Oyo at anong status ni Diet sa puso niya?
“Si Oyo, sobrang good friend ko siya. At si Diet naman, nag-e-effort siya nang todo ngayon and nakikita ko ‘yung effort niya at sobrang naa-appreciate ko.

“Pero alam din niya kung gaano rin ako nasaktan. At sinasabi ko sa kanya palagi na I need time, ganyan… at mas gusto ko kasi na ‘yung foundation namin ni Diet, like ‘yung friendship namin, mas mag-blossom pa,” dayalog ni Kristine.

Anong reaksyon niya roon sa nasabi ni Dina Bonnevie sa isang interview na kesyo nag-aalangan daw ito sa kahihinatnan ng anak na si Oyo kay Kristine dahil ang alam daw nito ay kasal na si Kristine.

Natawa lang ang magandang aktres at sumagot ng, “Hindi po nanliligaw sa akin si Oyo, so hindi ko masasabi, hindi pa ako makakagawa ng statement as of the moment. Kasi, wala pa sa stage na ‘yon.

“Kumbaga, hindi ko pa tinatrato si Oyo na parang suitor, kasi, kaibigan ko talaga siya. So, hindi ko pa masagot ‘yung tanong n’yo na anong kahihinatnan, kasi wala pa sa isip ko ‘yon,” katwiran niya.

Anong mensahe niya para kay Ms. D?
“Ms. D, huwag po kayong mag-alala dahil mabuti po kaming magkaibigan ni Oyo. And nothing to worry about, kasi ayoko rin pong nasasaktan ‘yung anak n’yo,” nakangiting sambit ni Kristine.

Samantala, pinabulaanan din niya ‘yung isyung nagpaplastikan lang sila ni Ara Mina sa set ng teleseryeng Prinsesa ng Banyera.

“Of course not! Sobrang naa-appreciate ko ‘yung effort ni Ara and sobrang eager kasi siya na maging kaibigan ako. So, ganundin ako sa kanya. Sobrang natutuwa ako kay Ara Mina and mabuti siyang tao!”

***

Magpapaka-Ai Ai de las Alas ang komedyanang si Rubirubi at lalaswain niya ang grupong boyz.com sa show nilang Rubirubi@boyz.com sa Zirkoh-Greenhills sa Marso 1.

Ang mga miyembro ng sexy boygroup na boyz.com ay sina Polo Ravales, Joseph Bitangcol, Frank Garcia, Gabb Drilon at Alwyn Uytingco.

“Kung ganyan naman ka-fabulous ang mga hahawakan at hihipuan mong lalake, why not?! Ha! Ha! Ha!” tawa ng kikay na si Rubirubi.

Alam naming ‘bagets killer’ ang komedyana (mas bata sa kanya nang ilang taon ang asawa niya) kaya inusisa namin siya kung sino ang pinaka-type niya sa limang guys.

Sey ni Rubirubi, may kanya-kanyang appeal ang boyz.com. Si Frank ‘yung tipong sosi ang dating na naughty, si Gabb ‘yung college boy ang appeal, si Joseph ay silent-type at mahiyain, si Polo ‘yung leading man at hunky ang dating, pero ang pinakamay dating sa kanya ay ang bagets na rakista na si Alwyn.

Iba raw kasi ang dating nito, parang astig na walang pakialam sa itsura niya. Pa-girl ang Rubirubi at ayaw sabihin sa amin kung anong klaseng kahalayan ang balak niyang gawin kay Alwyn at sa apat pang boys.

Kinakarir ng hitad ang kanyang production numbers kaya nagkakapasa-pasa na ang katawan niya.

Kasama si Rubirubi sa Manay Po 2: Overload ng Regal bilang sexy star na si Summer Rain, na nilalandi ang asawa ni Cherry Pie Picache sa movie na si Christian Vazquez.

Natuwa kay Rubi si Direk Joel Lamangan kaya humaba raw ang kanyang role. Bukod kay Ms. Pie ay kaeksena niya rin sa pelikula si Rufa Mae Quinto (bilang babymaker) kaya sobrang excited ang hitad lalo na sa mga batuhan nila ng linya.

Super-aliw si Rubi sa role niyang fashionistang starlet na TH at sana ay mapansin daw ulit siya rito, gaya ng kwelang yaya role niya sa horror flick na Hide and Seek.

Nu’ng Biyernes ay guest si Rubirubi sa MMK bilang kaibigan ni Regine Velasquez.

 

Microsoft Internet Explorer 7