|
NAPAKA-SWEET na ate ni Anne Curtis sa kanyang little sister na si Jasmine Curtis Smith.
Kahit Kapamilya star si Anne at Kapatid talent si Jas ay all-out ang suporta niya sa kanyang nakababatang kapatid, lalo na sa bago nitong miniserye sa TV5 katambal si David Archuleta.
Tuwing gabi, kapag nagsimula na ang Nandito Ako ay panay ang tweet ni Anne sa kanyang Twitter followers na panoorin ang nasabing show ng Singko.
“Nandito Ako to support you no matter what :) I love you forever and forever!!!!!” ang tweet ni Anne kay Jas bago nag-premiere ang Nandito Ako nu’ng Lunes nang gabi.
Masayang sey niya pa sa Twitter, “Yahoo! Nandito Ako is trending. Hindi pa siya umeere niyan!! Go, baby go!! Pasensya na po, I’m a proud Ate!”
Bukod sa Philippines at worldwide, nag-trending din sa Twitter ang Nandito Ako nu’ng pilot night nito sa Singapore, Indonesia, Malaysia at US.
Nag-congratulate si Anne sa mga bumubuo ng programa at binati niya si Direk Mac Alejandre dahil ang daming commercial load ng show.
Nu’ng Martes ay tinweet ni Anne ang kanyang baby sis ng, “Anya, you’re so pretty in your ponytail!! Ang galing mo pa mag-Tagalog!!!”
Anya ang pangalan ng karakter ni Jas sa Nandito Ako. Josh naman si David. Atat na atat si Anne na mag-meet na sina Anya at Josh.
Maging si Ogie Alcasid na original singer ng nasabing hit OPM ballad ay natuwa na nag-trending ito.
Tweet ni Ogie nu’ng Lunes, “Thank you, Mr. David Archuleta and to his legions of followers for making Nandito Ako trend after 23 years. Aaron Paul del Rosario, congrats!”
Sagot ni David sa tweet ni Ogie, “So cool it trended! Thank you and Mr. Aaron Paul for letting me sing a great classic OPM song, and for your kindness.”
Tuwang-tuwa rin si David (na nakabalik na ng Amerika) dahil nagustuhan ng marami ang kanyang first teleserye experience.
“Glad to see that you guys enjoyed the pilot episode of Nandito Ako! Thanks for all of your support!” masayang tweet ni Archuleta.
***
Kapwa feeling lucky and honored sina Jasmine Curtis Smith at Eula Caballero na sila ang napili na maging kapareha ni David Archuleta sa Nandito Ako.
“Siyempre, napaka-thankful ko po na napili po ako na maging isa sa leading ladies ni David sa show. Parang napaka-overwhelming po.
“Hanggang ngayon, everyday, gumigising ako, sinasabi ko sa sarili ko, ‘Totoo ba ‘to? Hindi ba ‘to dream?!’
“Kasi, never ko talagang na-imagine na mangyayari ito sa akin. Especially because kaka-start ko lang sa career ko.
“And working with David has been such a pleasure. He’s so light and easy to work with. And he’s really willing to listen and to grow and to adjust to whatever needs to be done.
“At napaka-willing niya to do anything, eh. Hindi siya titigil sa isang eksena hangga’t hindi niya naibibigay nang buong puso ‘yon.
“So, lahat po kami, proud sa kanya. Kasi, talagang nakita po namin ‘yung pag-progress niya in the 3 weeks na nakasama namin siya,” bulalas ng 17-anyos na si Jas, na bumalik na ng Melbourne, Australia para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral doon.
Anong pinaka-memorable para sa kanya sa pagtatrabaho nila ng American Idol alumnus?
“Everything. Kasi, lahat po kami, na-enjoy ‘yung vibe niya, ‘yung pagkanta-kanta niya sa set, ‘yung pagka-jolly niya.
“So, masaya po talaga siyang kasama. As a person, as a friend, as a co-actor, we really won’t forget him,” nakangiting pakli ng tisay na dalaga.
***
Nagpapasalamat ang 1st Star Factor winner ng TV5 na si Eula Caballero, na napili siyang itambal kay David, lalo na at palaging tinatanong sa kanya noon kung kailan siya bibigyan ng break ng TV5 dahil naunahan pa siya ni Ritz Azul na runner-up niya lang sa nasabing contest.
“I’m very happy na pinag-grow muna ako ng TV5 bago nila ibinigay sa akin ‘to. Kasi, alam ko naman na part ‘yon ng pag-aalaga nila sa akin, eh. Na dumaan muna ako sa ibang bagay bago ko ito nakuha.
“Now, si David Archuleta pa ang katambal namin ni Jas. Napakasaya po. Kasi, bilang actor, nakakagulat na ganu’n po siya (David) kagaling.
“Kasi, unang-una niya ‘tong ginawa, ‘yung pag-arte sa isang miniserye. So, nasabi ko talaga na napakatotoo niya sa camera, off cam and on cam.
“Kasi, ‘pag may eksena kami at feeling niya, hindi niya naibigay nang buong-buo kung anuman ‘yung puwede niya pang ibigay sa eksenang ‘yon, siya mismo ang magre-request kung puwedeng mag-take 2 o mag-take 3 pa.
“Gusto niya, the best ‘yung eksena kaya napakagaling po. Saludung-saludo po ako,” sambit ng 16-anyos na Kapatid star.
Ani Eula, hindi niya makakalimutan ‘yung mga pagkanta ni David sa set habang sinu-shoot nila ang Nandito Ako. ‘Yun ang isa sa mga mami-miss niya ngayong wala na si David at bumalik na ng Amerika.
Napapanood ang Nandito Ako gabi-gabi sa TV5 pagkatapos ng Wil Time Bigtime.
|