FEBRUARY 21, 2013 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
February 20, 2013
As of 2:00 pm
U. States 40.6499
Bahrain Dinar 107.816
Can Dollar 40.1964
Euro 54.5697
Aus Dollar 42.1122
HK Dollar 5.24213
Japan Yen 0.435613
Saudi Riyal 10.8389
S’pore Dollar 32.8930
Taiwan Dollar 1.37656
UAE Dirham 11.0669
UK Pound 62.7589
 
Custom Search

RACING FEATURE

Masarap manakbo

Ni Andy Sevilla

Sobrang matutulin ang mga tiyempo o sadyang gusto lang magsitakbo ng mga kabayo?

Ito ang tanong ng racing aficionados na nakapaanod ng anim na karerang naganap sa pagsisimula ng mga karera sa Metro Turf, ang ikatlo at pinakabagong karerahan sa bansa, sa Malvar, Batangas.

Halos lahat ng mga tiyempong nairehistro ay mula tatlo hanggang apat na segundo ang bibilis sa mga pangkaraniwang oras na nailista sa distansyang pinaglabanan.

Ang naging paliwanag dito ni dating Comm. Sonny Arevalo ay dahil sa ganda ng pistang pinagdausan ng karera noong Martes.

“Maganda at gustung-gustong manakbo ng mga kabayo bukod pa sa maganda ang kundisyon ng klima doon. Talagang ‘yun ang dapat asahan dahil ni walang insidenteng nangyari at nakita naman natin kung paanong gumana ang mga world-class stan­dard na banking sa mga kurbada nito,” ang sabi pa ni Comm. Arevalo.

Mabibilis sa arangkadahan at hindi lahat ng mga nasa unahang nakakaalagwa mula sa paglabas ng mga bagong aparato ay nananalo. Bagkus, ‘yun pa ngang iba na nanggagaling sa hulihan ay nakakapagparemate pa ng maganda.

“‘Yang mga oras na ‘yan ay puwede pang sirain ng mga magagaling na kabayong magsisitakbo pa sa mga susunod na araw sa pistang ito,” ang sabi ni Comm. Arevalo.

Marami rin ang natuwa sa magandang live TV coverage ng mga karera kahit na karamihan sa mga cable operators na nagdala nito ay hindi naringgan ng audio. Maganda umano ang video pati na ang coverage ng panel sa Race Time program na inihatid ng Sistemas Inc.

Mas marami ang natuwang mga karerista na nanood at merong Cignal TV dahil kumpleto ang kanilang panonood sa magandang video at audio sa coverage.

“Ayaw kasing galawin ng mga technicians ng mga cable operators ang kanilang mga kasangkapan dahil natatakot silang baka daw pati video eh mawala kung may galawin sila,” ang sabi ng isang technician na nakausap ng Abante Tonite.

Magre-resume ang night racing mamayang gabi na may pitong exciting na karera, ayon na rin kay Metro Turf racing manager Rudy Prado.

Idinagdag niya na magaganda rin ang mga pakarera sa Sabado’t Linggo, pinakatampok ay ang “Araw ng Mandaluyong” na pamumunuan ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos Jr.

Meron ding dalawang malaking pakarera ang Philracom na Leo Prieto II Stakes at Leo Prieto III Stakes na bukas para sa mga magagaling na 3-year-old campaigners.   

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION