FEBRUARY 21, 2013 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
February 20, 2013
As of 2:00 pm
U. States 40.6499
Bahrain Dinar 107.816
Can Dollar 40.1964
Euro 54.5697
Aus Dollar 42.1122
HK Dollar 5.24213
Japan Yen 0.435613
Saudi Riyal 10.8389
S’pore Dollar 32.8930
Taiwan Dollar 1.37656
UAE Dirham 11.0669
UK Pound 62.7589
 
Custom Search

Alahas ni Bisaya, ginagaya ni Pokwang

Mother Lily, pwede nang dalawin

Ipe, umatras sa kandidatura

JUN LALIN

 

ANG Unforgettable nina Kylie Padilla, Mark Herras at Benjamin Alves ang bagong afternoon drama ng GMA 7 na magsisimula sa Lunes.

Ang drama series na ito ang papalit sa timeslot ng Yesterday’s Bride na magtatapos bukas.

Kasama sa cast ng Unforgettable si Phillip Salvador bilang lawyer na tatay ni Benjamin.

Inusisa ko si Ms. Ali Dedicatoria (program unit manager ng Unforgettable) tungkol sa pagkaka-include sa cast ni Kuya Ipe dahil noong una ay napaba­litang kakandidato itong vice governor ng Bulacan.

Tsinek nila sa aktor kung tutuloy pa ba ito sa unang plano na kumandidato, pero binigyan daw sila ng assurance ni Kuya Ipe na hindi na ito kakandidato.

“Bale 16 weeks kasi tatakbo ‘yung Unforgettable at malaki ‘yung role ni Kuya Ipe, mula first week hanggang finale week kasama siya, kaya nag-double-check kami.

“Pero ayun nga, in-assure niya kami na hindi magkakaroon ng problema dahil hindi na siya kakandidato.

“Bagay na bagay kay Kuya Ipe ‘yung role niya na lawyer at tatay siya ng lawyer din na si Benjamin,” kuwento pa ni Ms. Ali.

Drama ang Unforgettable, pero dahil multo ang role ni Mark na first week pa lang ng series ay mamamatay na, kaya parang may pagka-fantasy rin sa aspetong ‘yon.

***

Dumalaw kami ni Annabelle Rama sa taping ng Toda Max sa ABS-CBN noong isang araw at nakatsikahan namin sina Pokwang at Angel Locsin.

Tuwang-tuwa si Pokwang nang makita si Bisaya.

Si Bisaya ang madalas na i-impersonate ni Pokwang at aminado ang comedienne na natutuwa siya na naa-appreciate ng nanay ni Ruffa Gutierrez ang panggagaya niya sa talent manager na kumakandidato ngayong congresswoman sa North District ng Cebu City.

Sabi pa ni Pokwang kay Bisaya, tuwang-tuwa siya sa misis ni Eddie Gutierrez nang mapanood niya ito sa isang interbyu at sinabi ni Bisaya na kapag nagsasalita ito sa mga pulung-pulong sa North District ng Cebu City ay nakikinig ang mga tao rito.

“Nakakatuwa pa nang sabihin mo na pati aso, nakikinig kapag nagsasalita ka na,” sey ni Pokwang.

Nagpalitrato si Pokwang kasama si Bisaya at ang caption daw roon ay, “Ang impostora (Pokwang) at ang original (Bisaya)”.

Inamin din ni Pokwang kay Bisaya na pinapanood niyang mabuti ang mga interbyu ni Bisaya para kapag ginaya niya ang nanay ni Ruffa ay very Annabelle Rama ang dating niya.

Pati mga alahas ni Bisaya ay ginagaya ni Pokwang kapag nag-a-Annabelle Rama siya sa kanyang mga show.

“Syempre, kailangang donya rin ang dating ko dahil donyang-donya ang byuti mo, Tita Annabelle!” sey ni Pokwang kay Bisaya at sabay na silang nagtawanan.

***

Si Angel naman ay lumapit kaagad kay Bisaya at nagbeso-beso.

Kinumusta ni Angel ang kandidatura ni Bisaya at ang dating ka-love team na si Richard Gutierrez.

“Tita, ano na ang nangyari sa movie namin ni Chard? Hindi na tayo natuloy,” sey ni Angel kay Bisaya na ang tinutukoy ay ang reunion movie sana nila ni Richard na iko-co-produce ng Regal Entertainment at Star Cinema last year, pero hindi natuloy dahil may exclusive contract pa ang binata sa GMA Films.

Sabi ni Bisaya kay Angel, sana’y matuloy ‘yon dahil gustung-gusto ni Richard na magkasama uli sila ni Angel sa pelikula.

“Oo nga, tita, gustung-gusto ko na rin na maka­gawa uli kami ng pelikula ni Chard,” sey ni Angel.

Napansin ni Bisaya na sobra ang pagka-sexy ngayon ni Angel at sabi ng dalaga, panay ang diet at exercise niya.

***

Habang nagtsitsikahan kami nina Bisaya, Pokwang at Angel ay kinumusta nila sa akin si Mother Lily Monteverde.

Sabi ko, okay na okay na si Mother Lily after na maoperahan ito.

May mga dumadalaw na kay Mother Lily sa bahay nito sa Greenhills, San Juan at tsine-check na rin nito ang mga pelikulang malapit nang ipalabas katulad ng Each Day with You (nina Iza Calzado at Rufa Mae Quinto na may playdate na Marso 20), My Lady Boss (nina Richard at Marian Rivera na co-produced with GMA Films at may playdate na Abril 10) at ang The Bride and The Lover (nina Lovi Poe, Jennylyn Mercado at Paulo Avelino na Mayo 1 ang playdate).

Sabi nina Pokwang at Angel, miss na nila si Mother Lily, kaya tinawagan ko ang Regal matriach at kinausap nito sina Pokwang at Angel.

Si Bisaya naman ay palaging kausap si Mother Lily at sabi pa ng nanay ni Ruffa, palagi niyang ipinagdarasal sa Sto. Niño ng Cebu City ang kaibigang movie producer.

***

Follow me on Twitter (@junlalin)

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION