|
|
ENTERTAINMENT
Aktres at ekstra, nagtikiman sa treehouse Nagsasalita na si Heart
Evangelista tungkol sa pagpapakasal nila ni Jericho Rosales "in the
near future." Alam ni Heart na kahit 22 na siya, kailangan pa rin ng notification at pahintulot ng mga magulang niya sa puntong ito. Ito’y maliban kung ang religious sect niya ay hindi pumapansin sa local laws at nagbabasa lang ng verses sa garden. Anyway, mabuti at nasa ABS-CBN muli sila ni Jericho. Wala silang lulugaran sa GMA 7 na tila hindi interesado sa kanila. Mabuti at naisip ni Jericho na balikan ang akting. Ang pagkanta at paggawa ng mga kanta ay hindi magiging stable career para sa kanya. Kahit kumanta na siya, kahit may grupo na, hindi singer o rockista ang dating niya. Habang binabasa ninyo ito, sikapin ninyong alalahanin kahit isang kanta na pinasikat niya. Meron ba? *** Natutuwa kami sa sinasabi ni Heart na natapos na niya ang digital movie na Ay Ayeng. Ang papel niya rito ay isang Igorota. Ipalalabas daw ito sa mga international festival. Tila pamilyar ang titulo ng pelikula. Ito ba ay project ni Direk Edd Palmos na isinabmit for financial assistance sana sa Cinema Committee ng National Commission for Culture in the Arts late last year? Iyon lang, nang pag-uusapan ng komite ang project, hindi dumating si Direk. At ayon sa dalawang director sa komite, tila "commercial" at "mainstream" ang project na dapat ipasok sa mga movie producer at hindi sa NCCA. May kalalakihan ang budget niyon. Mabuti at ginawa itong digital film kaya naging affordable ang budget at nakakuha pa ng worthy performers katulad ni Heart. *** Tila popular na popular ang Twilight Dancers ni Mel Chionglo sa mga taga-UP. May return engagement ito next week sa UP Film Institute, Adarna Theater. Muling magkaroon ng special run ang uncut version ng Twilight Dancers sa Pebrero 19 (Lunes), 21 (Miyerkules) at 22 (Huwebes) nang 7:00 PM. Dalawa ang screening sa Pebrero 24 (Sabado), 5:00 PM at 7:00 PM. *** Reward your curiosity. Ito ang teaser ng invitation sa amin ni Dr. Percival de Leon para sa kanilang grand big night mamayang gabi sa Klub Soulmate Entertainment Bar. Nasa # 690 N.S. Amoranto St. corner Biak-na-Bato ang SoulMate. Kung pamilyar sa inyo ang address, it’s simply because dating Club 690 ito. *** BULAG NA BALITA: Hanggang ngayon, hindi malimutan ni Direk ang last shooting day ng kanyang pelikula. Maganda ang location. May cute treehouse sa mga malaking puno sa hardin. Ang movie producer ang may-ari ng place. Nag-decide sila na ang last shooting day party ay doon mismo sa malaking bahay ng producer. Masaya ang party. Umaapaw ang pagkain, wine at alak. Sa gitna ng kasiyahan, gusto ni Direk, magpahangin sa labas. Type niyang humiga-higa sa isang treehouse na malapit. Umakyat siya sa puno. Nagulat siya sa boses na narinig niya: "Ay, si Direk. Type mo mag-join, Direk?" Ang nagsalita ay isa sa leading ladies, na tila nasa gitna ng bedscene kasama ang isang ekstra. Clue: Nagsimula bilang bold star ang aktres na drama star na. *** MILESTONE: Happy Birthday to dear friend, Sen. Jinggoy Estrada who marks his birthday today at Zirkoh Greenhills. More power and cheers! |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|