|
|
ENTERTAINMENT
Lucky colors Kakutsaba ni Vicky Morales sina Marky Cielo at K Brosas sa episode ng Wish Ko Lang ngayong 4:30 PM sa GMA 7. Nakatutuwa’t nakaiiyak ang episode na ito kaugnay sa paghahanap ng ‘Good Samaritan.’ *** Halos 10% daw sa mga Pilipino ay may dugong Tsino. Ang pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, isang Tsinoy. Libu-libong Tsino kasi ang nagpulasan patungong Pilipinas noong ika-19 na siglo sa kakulangan ng mga pagkakataon sa kanilang bansa. Sa Chinese New Year special ng Kapuso Mo, Jessica Soho mamayang 8:30 PM sa GMA 7, naglakbay si Jessica patungong Guangzhou, China upang tuntunin ang pinagmulan ng kanyang lolo. *** Txtsika ni Ruval Magpayo: "Ensure your luck in the Year of the Pig! Join us in our Chinese New Year’s Eve celebration tonight, Saturday, 11:00 PM at the P. Burgos St., Makati City! "Wear the lucky colors of red, yellow, silver or gold to have lots of money all year round!" *** Magsisimula ang Sine Totoo mamayang 11:15 PM sa GMA 7. Tampok dito ang documentary na ‘Boy Pusit’ ng I-Witness. Pinarangalan ito kamakailan bilang New York Festivals Gold World Medallist para sa Social Issues and Current Events genre. *** ‘Mga dating tabatsing-tsing’ ang contestants sa Chinese New Year presentation ng All Star ‘K’ bukas nang gabi sa GMA 7. Pasiklaban sa videoke challenge sina Vandolph Quizon, Biboy Ramirez, K Brosas, Lyn Ching, Ricky Rivero, Maybeline de la Cruz at Minnie Aguilar. Ang hired K!Ller ay si Alfred Vargas. *** Magsisimula ang
programang Showbiz Ka sa
Marso 5 (Lunes) nang 8:00-8:30 PM Lunes-Biyernes ang programang ito, na iho-host ni Pat-P Daza-Planas. "It’s presscon on air," sabi ni Pat-P. "May guests na tatlong movie reporters gabi-gabi at pag-uusapan ang maiinit na isyu." May segment dito na ‘Nasaan na si…’ tungkol sa mga celebrity na matagal-tagal nang wala sa limelight. Nike-line up na sa segment na ito sina Red Sternberg, Chuckie Dreyfuss at L.A. Lopez. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|