FEBRUARY 14, 2013 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
February 13, 2013
As of 2:00 pm
U. States 40.6999
Bahrain Dinar 107.949
Can Dollar 40.6178
Euro 54.7156
Aus Dollar 42.0947
HK Dollar 5.24779
Japan Yen 0.436886
Saudi Riyal 10.8523
S’pore Dollar 32.8687
Taiwan Dollar 1.36860
UAE Dirham 11.0806
UK Pound 63.8164
 
Custom Search
Mother Lily, mabilis ang paggaling
 

 

NAKAUWI na sa kanilang bahay sa Greenhills, San Juan si Mother Lily ­Monteverde.

Pero kahit nasa bahay na, hindi pa puwedeng tumanggap ng mga bisita si Mother Lily.

Ayon sa anak niyang si Roselle Monteverde, nagpapahinga pa ang kanyang ina pagkatapos maoperahan. Nagpapasalamat sila at madali ang paggaling ni Mother Lily.

Sabi ng Regal ­Entertainment producer, mukhang madali ang kanyang paggaling sa dami ng mga nagdarasal para sa kanya.

Biruan ng mga taga-Regal, ilang araw pa ay puwede nang pumirma uli ng mga tseke si Mothe­r Lily.

***

Sina Harlene at ­Hero Bautista ang producers ng Raketeros na pelikula nina QC Mayor ­Herbert Bautista, Andrew E, ­Dennis ­Padilla, Long Mejia at Ogie Alcasid.

Nagprodyus na noon ng pelikula ang production outfit na pag-aari ng magkapatid, pero aminado sila na may mga pagkakamali sila dahil wala silang mas­yadong alam noon sa pagpoprodyus.

Sa tulong ng ilang tao ngayon ay okay na ang takbo ng shooting ng kanilang second movie project, ang Raketeros.

Dahil buntis si ­Harlene, marami ang humuhula na mas susuwertihin ang kanilang pelikula.

Sabi ni Harlene, su­werte siya sa mga artista niya sa Raketeros dahil walang nagpapasakit ng kanilang ulo.

Wala silang shooting na napa-pack-up.

***

Naimbitahan ako ni Mr. Jose Mari Lacson sa Red and White Ball ng San Beda College noong Martes nang gabi sa NBC Tent sa The Fort Global City.

Pinagkalooban si Ma’am Charo Santos-­Concio ng Most Distinguished Woman Service Award sa nasabing event.

Kuwento sa akin ni Mr. Lacson, naging muse noon ng San Beda College sa NCAA si Ma’am Charo.

***

Malapit nang mag-­taping para sa kanyang drama anthology sa ABS-CBN si Sarah Geronimo.

Nawala man ang ­Sarah G Live ay marami pa rin siyang pinagkaka­­aba­lahan sa Dos.

Judges sila ni Lea ­Salonga sa The Voice of the Philippines.

Hindi babalik sa ASAP 18 si Sarah.

***

Follow me on Twitter (@junlalin)

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION