|
Ice dance judge, sinibak dahil sa poor judging Bryant, Magic at Leslie, lalaro sa Shooting Stars 4-COCK "TOWN FIESTA" DERBY NGAYON Valentine's Derby finals Bukas na
|
SPORTS
UPDATE
WADE ON FIRE! MIAMI, Florida (AFP) --- Binira ni Dwayne Wade ang lahat ng huling 17 puntos ng Miami, kabilang ang isang go-ahead jumper 2.3 segundo sa gameclock upang literal na buhatin ang Heat sa come-from-behind 100-98 win laban sa Detroit noong Linggo. Matapos ang maalat na 3-of-11 clip sa kabuuang 9 points sa pambungad na half, tila sinaniban ng kung ano si Wade sa huling 24 minuto ng laban. Kumana ang All-Star guard ng sampung puntos sa third quarter sabay inilagay sa sariling mga kamay ang laro sa huling yugto upang burahin ang 84-71 deficit ng Heat. "It was a lot of fun," ani Wade. "It was time for me. I had to come through and help this win. I went to a tough stretch (early) where I was hitting nothing. But my teammates gave me confidence to keep shooting the ball. Once I found the outside shot, I felt in a zone. I let the game come to me." "It was an absolutely amazing run," ani Heat coach Pat Riley. "I haven’t seen many like that in a long time." Si Wade na bininyagan na "Flash" ng higanteng kakamping si Shaquille O’Neal, ay pinasimulan ang kanyang walang humpay na atake sa pamamagitan ng isang jumper, 4:27 para ilapit ang Heat sa 90-85. Sa sumunod na posesyon, kinumpleto ni Wade ang isang acrobatic layup kasama pa ang foul mula sa isa ring All-Star na si Rasheed Wallace, 3:45 sa orasan. Ibinaon niya ang dalawang charities matapos ang 18 segundo para ihinang ang deadlock. Subalit nagbantang ibulilyaso ang magandang performance ni Wade matapos ang magkasunod na tres nina Chauncey Billups at Richard Hamilton, parehong All-Stars, sa gitna ng basket ni Wade para sa 96-92 lead ng Pistons, 2:17 sa laro. Si Wade na aminadong hapo na dulot ng kahahabol kay Hamilton sa third canto, ay nagbuslo pa ng dalawang basket na pinagitnaan ang isa ni Billups para sa two-point game. Ang kanyang pullup jumper ang nagtali sa 98-all count, 55 segundo ang nalalabi. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|