|
|
ENTERTAINMENT
Jericho Rosales, ipinagdiinang hindi buntis o nabuntis ang girlfriend na si Heart Evangelista Happy Valentine’s Day sa lahat! Ang araw na ito ay hindi lang para sa mga magsing-irog kundi para sa ating mga magulang o pamilya at mga kaibigan. Salamat kay Sharon Cuneta na hindi nakakalimot magbigay ng regalo sa mga ganitong okasyon. *** Matapos lumipad patungong Malaysia
last Sunday, posibleng nakabalik na ngayon Sabi ni Jericho, pipilitin niyang bumalik ng Pilipinas ngayon para masunod ang plano niyang Valentine’s date sa kasintahang si Heart Evangelista. Siyanga pala, bago umalis patungong Malaysia last Sunday si Jericho, dumalo muna siya sa presscon para sa gagawing pelikula tungkol sa buhay ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa sa Crowne Plaza Hotel na ipuprodyus ng FLT Films at ididirek ni Joel Lamangan. Si Jericho nga ang gaganap bilang
Manny at si Bea Alonzo naman ang gaganap bilang Jinkee Pacquiao, ang
misis ni Manny. Sa orig na plano, dapat ay magtatagal pa si Jericho sa Malaysia. Pero dahil may plano nga siya para sa date nila ni Heart, kinailangan niyang bumalik agad para kay Heart. May magandang regalo rin kasi si Jericho para kay Heart. Tumanggi muna si Jericho na sabihin kung ano at saan ang date nila ni Heart. Pero ayon kay Jericho, gusto niya na sa tabi ng dagat at isang formal at intimate dinner date ang gagawin nila ni Heart. Bagama’t inamin na ni Jericho ang relasyon nila ni Heart, hindi naman niya masabi kung ilang buwan na sila ngayon. Hindi raw kasi sila nagbibilang ni Heart ng buwan o kung gaano na sila katagal. Pero sa tantiya ni Jericho, nasa
pitong buwan na ang kanilang pagmamahalan ni Heart. Sa taping nga ng Panday
nabuo ang kanilang pagtitinginan ni Heart. Sa tingin ni Jericho, September nagsimula ang lahat sa kanila ni Heart. Mababasa sa mga ngiti ni Jericho ang pag-ibig nito sa kasintahan lalo na kapag dini-describe na niya ang mga magagandang katangian ng dalaga. Ayon kay Echo, nawala lahat ng kanyang maling impression sa pagkakilala niya kay Heart noong hindi pa sila nagkakasama nito. Puring-puri ni Jericho ang pagiging
maasikaso ni Heart sa kanilang lahat pati sa mga staff at crew ng
Panday. "I didn’t know na masyado siyang Pinay. Nagdadala siya ng pagkain sa set, inaasikaso niya kaming lahat. Akala ko, sosyalera siya pero hindi pala. Kumakain siya ng bagoong, sumasabay siyang kumakain sa amin. "She’s really a good person. She’s a good artist, painter and an actress," sabi ni Jericho. Nakilala na raw ni Jericho ang ina ni Heart at wala naman daw siyang problema rito. Hindi nga totoo ang balita na ayaw sa kanya ng pamilya ng aktres. Hindi pa nga lang nakakakausap at nakikita ni Echo ang ama ni Heart. Wala pa raw magandang pagkakataong magkita sila nito ng personal. Siyempre, wala ring problema sa pamilya ni Echo, lalo na sa kanyang nanay, dahil gustung-gusto raw nito ang kabaitan ng kasintahan niya. Muli ring iginiit ni Jericho na hindi nabuntis o buntis si Heart. Napapangiti lang si Jericho kapag naalala niya na may kinalaman kasi ang pagbibiro niya sa TV Patrol noon. Tinanong kasi si Jericho kung ano ang gusto niyang iregalo kay Heart, at sinagot naman niya na gusto niyang regaluhan ng baby si Heart. Dahil daw doon ay natsismis tuloy na buntis si Heart. Kaya mula noon, ayaw na niyang magbiro at ayaw na niyang sabihin uli ang naturang biro. Last Christmas ay Mont Blanc na watch ang regalo ni Jericho kay Heart. Siyanga pala, inamin ni Jericho na nag-suggest siya sa FLT Films na sana ay si Heart ang kuning leading lady niya. Pero okey lang sa kanya kung hindi nakuha ang kasintahan at si Bea nga ang napili. *** Happy Valentine’s sa aming Nanay Naty at Tatay Felipe. Sa mga kapatid ko at sa pamilya nilang sina Edna Deblois, Veronica Batinga, Creseth Tubianosa, Cristy Palentinos, Corazon Beronio at Melinda Gandia. Binabati ko rin ang mga taong naging bahagi ng aming buhay na sina Alvin Alfonso, Angelo Mamaril, Joel Esmeralda, Asky, Mamu Andrew de Real, Bobby Rodriguez, Kenneth Muliquien, Evander Rodriguez, Ara Mina, Jacob Fernandez, Bhin at Volet Pinga ng Bonchalet Bar, Sky, Rozzano de Mesa of Tripwise Travel Agency, Guia Natividad, Arnold Anota. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|