|
PULITIKO SA SHABU RESTO NAHUBARAN Martial law ni Gloria lusawin na Malacañang inupakan sa pagpapalaya kay Erap
|
TOP
STORIES
PULITIKO SA SHABU RESTO NAHUBARAN Nina Rey Marfil, Bernard Taguinod at Vladi Eduarte Unti-unti nang nahuhubaran ng maskara ang mga pulitiko at opisyales ng Philippine National Police (PNP) at barangay officials na nasa likod ng nadiskubreng palengke ng shabu sa Pasig City. Ito ang kinumpirma kahapon ni Pasig City Rep. Robert "Dodot" Jaworski Jr., kasabay ng kanilang paghahain ng resolusyon upang imbestigahan ang pagkakaroon ng ‘one-stop-shop’ ng shabu sa tabi ng Pasig City Hall. Ayon kay Jaworski, marami na silang impormasyong nakalap kung sinu-sino ang mga pulitikong nasa likod ng ilegal na negosyong ito subalit tumanggi ang kongresista na pangalanan ang mga sangkot habang nagsasagawa pa sila ng hiwalay na imbestigasyon. "Mayroon na kaming alam kung sino-sino sila," pahayag ng kongresista na umaasang makikilala rin ito ng PNP sa ginagawang imbestigasyon para mapanagot sa pagiging protektor ng palengke ng shabu. Kapwa rin kinastigo ni Jaworski sina Pasig City Mayor Enteng Eusebio at Pasig City Police sa pagtuturuan sa nabunyag na palengke ng shabu. "Huwag silang magturuan. Lahat sila mayroong dapat panagutan diyan. ‘Yung sinasabi ni Mayor Eusebio na wala siyang kontrol sa Pasig City Police, katarantaduhan iyan. May-roong direct control ang ma-yor sa pulis sa kanyang lugar. Kaya tingnan mo ‘yung mga interview niya sa TV, para siyang nalugi sa sabong noong matuklasan ng Camp Crame ang palengke ng shabu sa tabi ng City Hall," ani Jaworski. Tulad ni Jaworski, hindi naniniwala si Bukidnon Rep. Juan Miguel Zubiri na walang mataas na taong nasa likod ng operasyong ito . Bagama’t marami aniyang nahuli ang PNP sa nasabing raid, mga maliliit na isda lamang ang mga ito ka-ya dapat hantingin ang mga mas malalaking suspek. Matindi naman ang naging banta ni Mayor Eusebio sa pulisya ng Pasig. "Sa lahat ng malulusutan, pasensiyahan tayo," anang alkalde nang magpatawag ito ng command conference kahapon. "You are lazy, blind, or worse, in cahoots with those who were operating the shabu den. Whatever it is, continued failure will be dealt with severely," giit ng mayor. Ipinabubusisi na rin ni Eusebio sa kanilang legal department kung sino ang may-ari sa 600-square meters na loteng tinirikan ng palengke ng shabu. Sa Senado, ipinatatawag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno, kaakibat ang reklamong command responsibility ng departamento ang paglaganap ng drug syndicate at lantarang bentahan ng shabu sa Pasig area. Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 442, direktang hiningi ni Santiago ang pagharap ni Puno kay Sen. Manuel Villar Jr., chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs, kasama si Philippine National Police (PNP) chief Arturo Lomibao. Hiningi rin ni Santiago ang paliwanag nina Philippine Drug Enforcement (PDEA) chief Anselmo Avenido at Mayor Eusebio, maging ang nakaupong baranggay chairman ng Palatiw, Pasig City kung saan nadiskubre ang ‘shabu resto’. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|