FEBRUARY 12, 2012 SUNDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
February 10, 2012
As of 2:37 pm
U. States 42.1400
Bahrain Dinar 111.777
Euro 55.8695
HK Dollar 5.43301
Japan Yen 0.542723
Saudi Riyal 11.2361
S’pore Dollar 33.5543
Taiwan Dollar 1.42799
UAE Dirham 11.4842
UK Pound 11.4729
 
Custom Search
Arnell, parang soltera na sabik madiligan
Allan Diones
 

MAY Valentine movie para sa mga beki, ang Bola na pinagbibidahan ng baguhang sexy actor na si Kenneth Salva bilang si Lester, isang binatang Caviteño na mahilig magbasketbol at nangangarap maging varsity player.


Umpisa pa lang ng pelikula ay nagpakita agad ng behind si Kenneth sa love scene nila ni Sofia Valdez na gumaganap na ka­babatang nobya niya.


Ang ganda ng katawan ni Kenneth at ang sexy niya lalo na ‘pag naka-underwear lang.


Mas mapangahas ang gumaganap na bespren at kababata rito ni Kenneth na si Jacob Miller.


Ma-appeal ang tisoy na si Jacob at maganda ang rehistro niya sa screen. Natural din siyang umarte at okey magbitaw ng mga dayalog.


Aliw ‘yung hirit niya sa kaibigang si Kenneth na, “Namamakla ka rin, hindi mo lang alam!”
‘Kalokah rin ‘yung linya niyang “Lahat ng successful basketball player, dumaan sa gay lover!”
In fairness kay Jacob, maging sa drama moment niya ay okey siya.


Nandito rin si Arnell Ignacio bilang gay designer na si Pandy, na mahilig mag-sponsor ng basketball uniform sa mga liga ng barangay.


Nainlab-inlab ang ba­ding sa mailap na karakter ni Kenneth, na nu’ng una ay ayaw pumatol sa bading at loyal kuno sa nobya nito.


‘Kalokah ‘yung eksenang naelya-elya si Arnell habang sinisilip niya sa kabilang kuwarto sina Kenneth at Sofia. Pinag-aral ni Pandy at ipinasok sa varsity team si Lester.


Babai-babaihan ang peg dito ni Arnell, na nagbukas na ng pantalon ‘yung lalaki sa harapan niya ay ayaw niya pang sunggaban.


Nu’ng finally ay mag­chorvahan na sila ay feel na feel ‘yon ng hitad at para siyang matandang dalaga na sabik na sabik madiligan.


Nasa cast din ng Bola si Dustin Jose bilang klo­setang basketball coach na ex-dyowa ni Arnell. May eksenang pinasok ni Dustin si Kenneth sa shower.


Aliw ang fans kay Simon Ibarra bilang mael­yang bespen ni Arnell na balahura ang bibig. May pagka-hoodlum ang baklitang si Simon at eksahera­da ‘yung eksena niya sa basketball court na binawi niya ang mga binigay niya sa boytoy niyang si Jacob.


Sa Pebrero 15 ang showing ng indie gay flick na Bola sa mga piling sinehan.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION