FEBRUARY 07, 2013 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
February 06, 2013
As of 2:00 pm
U. States 40.6699
Bahrain Dinar 107.849
Can Dollar 40.8002
Euro 55.1691
Aus Dollar 42.0964
HK Dollar 5.24532
Japan Yen 0.433563
Saudi Riyal 10.8444
S’pore Dollar 32.8697
Taiwan Dollar 1.37833
UAE Dirham 11.0721
UK Pound 63.6639
 
Custom Search
Broken home tinakasan sa suicide
(Juliet de Loza-Cudia)

Sa bahay ng kaibigang bading tinuldukan ng isang 25-anyos na lalaking nag­layas sa kanilang bahay ang kanyang buhay matapos na tumungga ng silver cleaner, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Natagpuang walang buhay sa mezzanine ng bahay ang biktimang nakilala lamang sa pangalang Mark, alyas ‘Puti’ dakong alas-11:44 ng umaga.

Ayon kay Ernesto Alvaro, 33-anyos, bading at may-ari ng tinuluyan at kaibigan ng biktima, residente ng 412 Capulong St., Tondo, may tatlong araw pa lamang nakikipanulu­yan ang biktima sa kanyang bahay matapos niya itong makilala sa pinapasukang parlor sa may Don Bosco.

Narekober sa tabi ng bangkay ang isang botel­ya na naglalaman ng kemikal na panlinis ng silver, kaya naniniwala ang pulisya na sadyang nagpakamatay ito sa pamamagitan ng paglagok ng silver cleaner.

Gayunman, habang nag-iimbestiga si SPO1 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, natuklasan na may bandage ang kanang pulso ng biktima at nang alisin ay nakita ang sariwa pang mga tahi sa pulso, indikasyon na una nang naglaslas ng pulso ang biktima.

Nilinaw rin ni Alvaro na hindi niya ‘Papa’ o karelasyon ang biktima at pinatuloy lamang niya ito para may magbantay ng kanyang maliit na bahay.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na ang nanay umano nito ay nakatira sa Parola Compound sa Tondo, kaya hinalang ‘broken family’ ang nagtulak para magpatiwakal ang biktima.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION