Kumamada ang defending champion University of Santo Tomas sa ikatlong set, upang iwasiwas ang La Salle, 25-23, 23-25, 25-13, 25-17 at lumapit pa sa tsansang mahablot ang ‘twice-to-beat’ bonus sa Final Four ng UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Blue Eagle Gym.
Sa unang laro, tinalo ng Ateneo ang University of the Philippines, 25-19, 25-21, 27-25.
Matapos matalo sa second set, ang Tigresses ay nagsanib-puwersa sa third set sa pamamagitan ni reigning MVP Venus Bernal, katuwang sina Mary Jean Balse at Angeli Tabaquero.
Sinelyuhan ni Balse ang panalo ng UST nang blangkuhin ang bola ni Michelle Datuin.
Umangat ang UST sa 11-2 at kalahating laro ang abante sa Far Eastern University (10-2).
Pero pinakaimportante sa lahat, ang three-time Shakey’s V-League titlists ay dumikit pa sa Adamson, ang lider na may record na 11-1 win-loss.
|