FEBRUARY 7, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


 

GA-BUHOK!

Panalo ng Giants sa Barakos

ni Ramil Cruz

Sinakyan ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs ang 27-point lead sa se­cond quarter at pinanood si Junthy Valenzuela na maisablay ang pangala­wang free throw sa endgame para gadangkal na lang ang layo sa Finals nang makaeskapo sa Red Bull Energy Drinks, 96-95, sa Game Five ng 2007-08 Smart Philippine Basketball Association Philippine Cup best-of-seven semifinals sa Araneta Coliseum sa Quezon City kagabi.

“That sometimes I’m thinking to look for another job. This is probably stressful and pressured pack series. Eventhough were up by 27 points, they rises,” nabunutan ng tinik na tinig ni P’foods bench strategist Paul Ryan Gregorio tapos na muntik pang masingitanang hukbo niya kahit dumistansya ng 48-21 sa second period.

Sa milagrong pagbabalik, idinikit ni Celino Cruz ang R’Bull sa dalawa sa salpak na three-point shot sa pinaleng 36.8. Sumablay tapos sa dalawang free throw niya si Jean Marc Pingris bago ang pagmintis ni Valenzuela sa pangalawang bitaw sa charity lane na maghahatid sana sa overtime.

Si James Yap na may 10 points lang sa 1st period na nilaro sa Game Four ang bumandera pa rin sa Giants kahit may iniindang bugbog sa kaliwang tuhod na nakuha sa Game 4.

Sumandal naman ang Santa Lucia Realty sa tibay ng pulso sa free throws sa endgame para umusad sa isang panalo na lang din at makasampang muli ng Finals sa buenamanong pagkakataon sa loob ng pitong taon nang iligwak ang Alaska Milk, 95-90, sa pampalabok na digmaan.

Ang tagumpay ay naggiya sa SLR sa 3-1 lead sa kagayang serye nila ng AM at naging pagbawi mula sa 93-80 Game Four loss noong Linggo sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“I do appreciate that coach (Timothy Earl) Cone embraced me tonight and said we deserve the win,” bulalas ni Sta. Lucia head coach Teodorico Fernandez III na inisnab ng kanyang counterpart sa mula Games 2 hanggang 4. “It’s hard to give Alaska Milk another game so we’d like to go for it on Friday.”


First Game
Santa Lucia Realty 95 -Mendoza 19, Aquino 18, Espino 16, Yeo 14, Williams 13, Miranda 7, Omolon 6, Reyes 2, Gonzales 0, Daa, Coronel 0.
Alaska Milk 90 - Mil­ler 23, Aban 14, Cortez 14, Ferriols 13, Dela Cruz 10, Cariaso 5, Bono 4, Bajar 3, Quinahan 2, Thoss 2, Hugnatan 0.


Second Game
Purefoods Tender Juicy Hotdogs 96 -Yap, J. 25, Raymundo 18, Castillo 17, Pingris 15, Adducul 8, Simon 7, Salvador 4, Lanete 2, Evangelista 0, Yap, R. Jr. 0.
Red Bull Energy Drinks 95 -Baguio 21, Pennisi 15, Adriano 14, Valenzuela 11, Hrabak 10, Cruz 8, Ybanez 7, Membrere 5, Sharma 4, Robinson 0, Bugia 0.

 

 


Microsoft Internet Explorer 7