Isang panalo na lang ang kailangan ng Sta. Lucia para tuluyang pumasok sa finals. Kagabi ay tinalo ng Realtors ang Alaskas Aces, 95-90.
Ang tanong: Tapusin na kaya ng SLR ang laban sa Friday? Abangan.
***
Sa pagpasok ng 2008 ay muli naming napapanood ang magandang laro ni Paolo Mendoza.
Katunayan, kagabi ay pinangunahan niya ang tropang Realtors sa kinanang 19 points at 2 assists.
Hangad din ni Mendoza na magtuluy-tuloy na ang magandang laro niya para makatulong sa kampanya ng koponan.
***
Nalaman naming bago daw pumunta sa laro ang Purefoods TJ Giants ay dumaan muna sa SMC compound. Ang tsika ay naroroon daw kasi si Father Suarez. Siya ‘yung sikat na paring nagpapagaling umano ng mga maysakit.
Hindi naman daw lahat ay nakiumpok kay Father Suarez, tulad ni team manager Alvin Patrimonio na nagmasid-masid lang.
Pero balita namin ay dinumog ang pari ng mga tao sa SMC.
***
Gaano naman kaya katotoo ang balitang hiwalay na ang magdyowang sina Jimmy Alapag ng TNT at LJ Moreno?
Kung totoo ang balitang ito, nakapanghihinayang dahil matagal na ang kanilang relasyon at walang mag-aakalang mauuwi sa hiwalayan.
Ano naman kaya ang dahilan? Third party kaya?
Sa pagkakaalam kasi namin ay may plano nang magpakasal ng dalawa. At kaya pala kapansin-pansin na noong bago matapos ang quarterfinals ay hindi na nakikita ang byuting aktres na nanonood sa laro.
***
Si coach Horacio Lim na umano ang bagong head coach ng FEU Junior. Pinalitan si coach Potit. Maganda naman ang ipinakita ng FEU noong nakaraang taon, pero bakit pinalitan ang coach?
Well, management’s decision ‘yun kaya wala tayong magagawa. Anyway, good luck kay coach Lim.
|