FEBRUARY 7, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
Annulment muna bago kasal
ni Sen. Chiz Escudero
 

Mr. Senator,
Magandang gabi po sa inyo. Magtatanong lang ako sa inyo tungkol sa annul­ment. Two years na po akong hiwalay sa asawa ko. Gusto ko po ka­sing magpa-“annul” dahil po meron po akong “girlfriend” na Canadian citizen. Gusto po kasi naming magpakasal. Nakausap ko na po ‘yung ex ko po. Pa­yag naman po s’yang magpa-“annul.” Ano po bang mabilis na paraan at meron po ba kayong kila­lang abogado? Sana po masagot po ninyo agad ang tanong ko. Mara­ming sala­mat po!!

Dear letter sender,
Nasasaad sa batas na bago makapag-asawa muli ng lehitimo ang isang taong kasal na (maging ang babaeng iyong kinakasama o ang kanyang asawa) kinakailangan mapawalang bisa muna ng isang hukuman ang kanilang kasal.

Hindi naiiba ang inyong sitwasyon at hindi kayo ligtas sa utos ng batas kahit na dalawang (2) taon na kayong hindi nagsasama ng iyong asawa.

Kailangang maghain ang isa sa inyo sa korte sa Pilipinas ng isang petisyon para sa pagpapawalang bisa o “annul­ment” ng inyong kasal para umpisa­han ang proseso ng pagsa­sawalang-bisa ng nasabing kasal.

Ngunit hindi dahil naghain ang isa sa inyo ng petisyon ay siguradong mapapawalang bisa ang inyong kasal. Ito ay lilitisin pa sa harap ng hukuman at kailangang patuna­yan na merong sapat na dahilan upang isawalang bisa ang inyong kasal. Ang mga dahilan at basehan sa batas upang mapawalang bisa ang isang kasal ay pili at bilang lamang. Para sa inyong kaa­laman, ang mga basehan ay ang mga sumusunod:

1. Ang isa sa ikinasal ay edad 18 o pataas pero mas bata sa edad 21 at ang kasal ay idiniwang na walang pahintulot o basbas ng kanyang magulang, maliban na lamang kung matapos na siya ay umabot sa edad 21, siya ay kusang loob na sumama sa kanyang asawa bilang mag-asawa;

2. Ang isa sa kinasal ay wala sa tamang pag-iisip, maliban na lamang kung siya ay kusang loob na sumama sa kanyang asawa bilang mag-asawa matapos siyang bu­malik sa tamang pag-iisip;

3. Ang pahintulot ng isa sa ikinasal ay nakuha sa pamamagitan ng panloloko, maliban na lamang kung matapos o mabuking ang panloloko ay kusang loob pa rin sumama ang niloko sa kanyang asawa bilang mag-asawa;

4. Ang pahintulot ng isa sa kinasal ay nakuha sa pamamagitan ng puwersa, pana­nakot o sapilitan, maliban na lamang kung ang pinuwersa ay kusang loob na sumama sa kanyang asawa bilang mag-asawa matapos mawala ang puwersa, pananakot o pagpilit;

5. Ang isa sa ikinasal ay walang kapasidad na magka-anak at ang kapansanan niyang ito ay hindi kayang magamot;

6. Ang isa sa ikinasal ay merong “Sexually Transmitted Disease” (STD) at ito ay malubha na at hindi na ka­yang magamot;

7. Maaari ring gami­ting basehan ang tinatawag na “psychological incapacity” sa pagpapawalang bisa ng kasal. Ang “psychological incapacity” ay isang kalagayan ng mag-asawa kung saan lubos na ‘di nila ka­yang gampanan ang mga obligasyon bilang mag-asawa dahil sa kapansanan sa pag-iisip na nag-umpisa bago pa sila nagpakasal at nalaman lamang noong kasal na sila. Sa ganitong paraan, kinakailangang mapatunayan na ang nasabing kalagayan o kapansa­nan sa pag-iisip ay nagsimula bago pa man ikasal, malubha na at hindi na maaaring maisaayos o magamot.

Kung matapos litisin sa harap ng hukuman ang kasong annulment at mapasyahan ng hukuman na dapat ngang mapawalang bisa ang kanilang kasal, saka pa lamang pwedeng magpakasal muli ng legal ang babaeng iyong kinakasama.


Senator Francis ‘Chiz’ Escudero

 

 

Microsoft Internet Explorer 7