FEBRUARY 7, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
Gustong mag-sex sa internet
ni Dra. Margarita Holmes
 

Dear Dra. Holmes:
May asawa po ako at tatlong anak. Nasa ibang bansa po ngayon ang mister ko. Napakasakit o nahirapan po akong tanggapin ang pagkakalayo namin subalit kailangang magtiis dahil sa problemang pinansyal.

Sa ngayon po ang mainam na komunikasyon namin ay internet chatting. Nakikita ko rin po siya sa through web cam.

Doktora, gusto po kasi niya na mag-sex o ipakita sa webcam ang mga ari namin habang mina-masturbate. Naiilang po ako, at naiinis sa kanya. Iniisip ko po kasi na baka may makakitang iba at ma-broadcast. Sa tuwing mag-chat kami, palagi niyang hinihiling sa akin pero nagdadahilan na lamang ako.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Natatakot rin po ako na baka maghanap siya ng ibang babae para lang maki­pag-sex. (‘Yan ay) dahil madalas niyang sinasabi na ‘di siya makapagpigil.

Subalit alam ko rin na mahal niya kami ng mga anak niya. Gusto ko na rin po siyang pauwiin, subalit meron po siyang kontrata. At ito na rin po ang madalas naming pagtalunan. Sana po matulungan n’yo kami. Nagpapasalamat po ako at nakita ko ang website n’yo. Sobra na rin po akong depressed sa sitwasyon namin.

Irish


Dear Irish:
Hindi ko kilala ang asawa mo, kaya hindi ko alam kung sinasabi ko ay nag-a-apply rin sa kanya. Pero kadalasan, kung “makulit” ang lalake dahil gusto niyang ipakita ang mga ari ninyo sa webcam, ibig sabihin ay wala pa siyang nakikitang iba na kasing halaga sa iyo. Kasi, kung mayroon nga siyang ibang nakikita (o gusto) hindi ka na niya kukulitin, ‘di ba? SO…in a way, maganda nga ang kinukulit, dahil ang ibig sabihin noon ay talaga kang hinahalagaan ng iyong asawa AT ikaw ay irreplaceable.

So, dearest Irish, kung kaya mong gawin ang gusto ng asawa mo, sana pagbigyan mo na lang siya. HINDI dahil baka siya mangaliwa, pero dahil mahal mo siya at naiintindihan mo kung gaano kahalaga ito sa kanya.

Marahil ang ibig niyang sabihin na hindi siya makapagpigil ay…hindi siya makapagpigil ihiling ito sa iyo o (ordinarily) hindi siya makapagpigil pero kung kayong dalawa ay mag-masturbate habang nagpapakita sa webcam, makakapi­gil na siya.

O, Irish, alam ko kung gaano kalungkot ang buhay mo nayon na wala siya sa piling mo. Pero siguro mas malungkot pa siya kaysa sa iyo dahil hindi lamang na wala ka sa piling mo, pero wala rin ang kanyang mga anak, magulang at barkada. At sigurado akong ayaw rin niya roon, na gusto niyang bumalik sa inyo, kaya lang kailangan ninyo ng pera ngayon. So, kung kaya mo, sana pagbigyan mo na siya.

Palagay kong napakalaking bagay para sa kanya kung subukan mo lang ito.
Kung hindi mo naman kaya, sana sulatan mo ako muli at maghanap tayo ng ibang solusyon. Sayang naman na ang inyong napaka­gandang pamilya, na nagmamahalan ay masira dahil lamang sa dalawang isyu na ito.

Si Dra. Holmes ay sumusulat sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes at sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sulatan siya sa kanyang website www.margaritaholmes.com. Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot ng personal.

 

Microsoft Internet Explorer 7