FEBRUARY 7, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Kaso vs destabilizer isinulong ng DOJ
ni: Juliet de Loza
 

Nagsimula nang ipursige ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong illegal possession of firearms laban sa mga inarestong suspek na sangkot umano sa tangkang destabilisasyon sa gobyernong Arroyo.

Sa resolution ng panel of prosecutors, inaprubahan ni Chief State Pro­secutor Jovencito Zuño ang pagsasampa ng kaso sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) dahil may sapat umanong basehan upang isulong ang naturang kaso laban kina Kim Agas, Walter Francisco at Redante Maranan matapos na mahulihan ng mga armas sa isang lugar sa Quezon City.

Ang mga kinasuhan ay mga dating sundalo at nahulihan ng matataas na kalibre ng baril ng mga operatiba ng PNP-CIDG at pinaghihinalaang sangkot sa tangkang destabilisasyon sa pamahalaan.

Magugunita na una nang inabsuwelto ang kanilang mga kasama na sina Sgt. Orlando Valencia at Cpl. Ramon Perana matapos mabigo ang PNP na patunayang may nasabat ding armas sa dalawa.

Ayon sa DOJ, tatlo lamang na armas na naiprisinta ng CIDG sa DOJ sa isinagawang inquest proceedings at base sa salaysay ng mga arresting officers, tatlo lamang sa mga respondents ang nahuli sa aktong may bitbit na baril.

 

Microsoft Internet Explorer 7