FEBRUARY 7, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Gloria walang utang kay JDV -- Villafuerte
 
 

Binanatan kahapon ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte ang nasibak na House Speaker na si Jose de Venecia sa pagiging umano’y “delusional” nito sa pagpapalagay umano sa sarili na “kingmaker” kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“That’s the height of arrogance,” ani Villafuerte sa speech ni De Venecia noong Lunes bago ito masipa at palitan bilang Speaker ni Davao City Rep. Prospero Nograles.

Ani Villafuerte, utang na laoob ng lahat ng public officials ang kanilang elective posts sa sambayanan na bumoto sa kanila, kaya ang sinasabi umano ni De Venecia ay isang insulto at masakit na sampal sa mukha ng botanteng Pilipino.
“In 1998, De Venecia needed then Senator Arroyo more than she needed him. She was the No. 1 elected senator of the land and De Venecia wanted her immense popularity to rub off to him,” wika ni Villafuerte.

Inilarawan pa ng mambabatas ang pag-angkin ni De Venecia sa kagustuhan ni Pangulong Arroyo na maging vice presidential running mate nito noong 1998 bilang “his claim, nothing more, nothing less”.

“But the result of the 1998 elections cannot be denied. De Venecia run fort president and lost badly while Senator Arroyo won overwhel­mingly. So, I find De Veneci’s take on who sought in 1998 as pathetically revisionist.”

Ayon pa kay Villafuerte inililigaw umano muli ni De Venecia ang publiko nang sikapin nitong iugnay ang mga grounds sa kanyang pagkasibak base sa alegasyon na inilatag nito, gayung ang katotohanan, iyon umano ay internal affair lamang ng House na nag-ugat sa umano’y mismanagement, malpractices, non-transparency at irregularities sa paghawak ng pondo ng House ni De Venecia noong ito ay Speaker pa.

“Get real, Joe,” wika pa ni Villafuerte. “He has only himself to blame and no others,” deklara pa ni Villafuerte.

 

Microsoft Internet Explorer 7